Beatrice
Tanghali na akong nagising para magluto ng merienda ng mga players mamaya. Alas dos pa naman ang start ng game nila kaya okay lang.
Napuyat din kasi ako dahil sa pag-uusap namin ni Ricka kagabi. She's crying. Hindi rin daw siya sure kung makakapunta siya mamaya pero pinilit ko pa rin. Pag-iisipan daw niya.
Habang ginagawa ko yung sauce ng carbonara, biglang nag-ring ang cellphone ko and I answered it without looking the caller's ID.
"Hello?"
[Hi Trice.] I stopped for a moment.
"O-Oh, hi Makoy!" I greeted him cheerfully. I should act normal.
Pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng guilt dahil feeling ko nagpapa-asa ako. Pero alam naman niya mula noon pa na si Redix na diba?
[Makakapunta ka ba mamaya?] he asked.
"Oo naman. Pinagluluto ko na nga kayo oh." sabi ko.
[Wow naman. Sige I'll see you mamaya. Before and after the game.]
"After the game?" anong meron?
[Let's talk. Sana pumunta ka. Building one, sa room natin. Ibababa ko na.]
"S-Sige. Good luck."
[Thanks.] then the call ended. I'm feeling a bit nervous. Parang may mangyayari.
Hinango ko na yung boiled noodles at tinimplahan yung sauce dahil nakulangan pala ako sa cream. Naghanda na rin ako ng dalawang plate na para saming dalawa ni Jameson.
Alam niyo naman, nasa office na sila Mommy. Pero dadalhan ko sila mamaya.
Pagkatapos kong maghanda sa dining, umakyat na ako para gisingin si Jameson. At ang magalig kong kapatid, tulog na tulog pa rin. Alas dose na oh. Dapat nga nasa school na siya e.
"Mamaya na, maaga pa. . ." aniy ng paungol.
"Sige. Uubusin ko nalang yung lasagna at carbonara sa baba."
Agad siyang napabangon, "Sabi ko nga tanghali na e. Hintayin mo nalang ako dun. Bababa na 'ko." loko loko talaga.
Tulad ng sabi niya naghintay nalang din ako sa ibaba habang kinakalikot yung cellphone ko. Bigla pa ngang nag-vibrate. Nag-text si Ate Fia.
Ate Fia:
Beatrice! Help me please!I immediately dialed her number dahil sa kaba ko,
"Hello Ate Fia! Anong nangyari?! Bakit humihingi ka ng tulong?" taranta kong sabi.
[Kasi. . . wala na siya.]
"What?! Sinong nawala? Sinong namatay?!"
[Gaga. Walang namatay. Nag-back out na kasi yung isa sa team ko. Pwede ka bang pumasok? Please?]
Bakahinga ako ng maluwag. Jusko po. Akala ko kung ano na. But wait. Ano daw? Me? Joining her team?
"Uh—"
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016