Beatrice
"Hi Beatrice."
Tuluyan kong isinarado ang pinto ng kwarto ni Ricka atsaka tinaasan ng isang kilay ang lalaking kaharap ko. Sino ba 'to?
"Hindi mo na talaga 'ko naaalala?" dagdag niya pa
"Sorry but I don't talk to strangers. Excuse me." sabi ko nalang at nagsimula ng maglakad para hanapin ang kusina.
Ang laki-laki naman kasi ng bahay na 'to. Mas malaki sa bahay namin. Well, mas may kaya naman kasi talaga sila.
Nang makarating ako sa kusina, naghanap kaagad ako ng tubig sa refrigerator.
Pero halos malaglag ang pitsel na hawak ko nang makita na naman yung lalaki kanina na nakatayo sa likuran ko.
"Are you some psychic or something?" medyo irita kong sambit sa kanya. Parang kabute, pasulpot-sulpot.
Kumuha rin siya ng isang baso at nagsalin doon ng tubig pagkatapos ko. Tinitignan ko lang ang bawat kilos niya.
"Hanggang ngayon ang ganda mo pa rin kapag naiirita," natatawa niyang sabi, "Same old Beatrice."
Saglit na tumaas ang isa kong kilay. He just smiled kaya isinoli ko na ang pitsel ng tubig sa ref at inilagay sa sink yung basong ininuman ko. Atsaka ko siya hinarap,
"May I know your name please?" I asked
Umangat ang isa niyang labi atsaka nagsalita,
"Mark. Mark Ramos," he paused, "Remember me now?"
Napaisip ako saglit. Siya yung binanggit ni Tito Xider kanina. Mark Ramos. . . Mark. . .
"Makoy?" bulong ko, "Ikaw si Makoy?" tanong ko pa.
Dahan-dahan siyang pumalakpak, "Finally. Naalala mo na rin."
Natigilan ako.
Makoy. Siya ang lalaking sumalo sa ginawa kong kalokohan noon para kay Redix. When I was still in elementary, I guess?
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya nakilala ay dahil sobrang gwapo na niya ngayon. So far from the 'Makoy' who used to be my best buddy years ago. Pero umalis siya noon. Nag-aral sa ibang bansa.
Hindi na rin ako magtataka kung bakit nandito siya. Magpinsan sila ni Redix.
"It's nice to see you again," I smiled at him, "Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako nandito sa bahay ng—"
"ng lalaking kinababaliwan mo hanggang ngayon." pagputol niya sa pagsasalita ko.
I smiled.
He really knows me well.
Bago pa man ulit ako makapagsalita ay nauna na siya,
"I heard you and Tito Xider awhile ago. . . accidentally. Nandun lang ako sa room ni Redix eh."
Gusto na namang tumalon ng puso ko. Parang ngayon lang din nag-sink in sa akin na andito ako sa loob ng bahay ni Redix. Sorry, I can't help but think about these little things. Well, a big one for me actually.
Asawa na ba niya 'ko? Hahaha!
Hashtag FeelingSiBeatrice.
Biglang tumunog ang cellphone niya, someone's calling.
Pero bago pa man niya sagutin iyon ay nagsalita na ako,
"I'll go upstairs na. Inaantok na rin ako. I missed you Makoy na mokong." lumapit ako sa kanya atsaka siya niyakap, I really missed this guy.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016