Beatrice
Sobra akong inintriga ni Mommy kaninang umaga pagkapasok ko palang ng bahay.
Saan daw ako nanggaling at bakit napakaaga ko atang gumala.
Pero dahil honest ako, sinabi ko sa kanya na kagabi pa ko wala kahit alam kong mas magh-hysterical siya.
Sa sobrang kaba ko ang nasabi ko nalang, nag-foodtrip po kami.
Sobrang umuusok na yung ilong ni Mommy dahil sa sinabi kong dahilan.
Pero nang sabihin kong kasama ko si Redix.
Parang may dumaan na anghel.
Grabe talaga.
I told her about all that happened.
You see, hindi ko kayang magsinungaling kay Mommy tungkol sa mga bagay na tulad nito.
But the thing is, hindi siya nagalit na may humalik sakin at hinalikan ko rin.
Hindi siya nagalit na inumaga ako ng uwi at may kasama pa kong lalake.
Maybe because anak naman ni Tita Pat ang kasama ko.
They're best of friends nga pala.
Tulad ng bilin ni Redix, pagkatapos na pagkatapos ng interview ko with Mommy, kumain na ko agad.
I called Aica kung anong oras ako dapat nasa school at sinabi niyang 2 pm.
Mom heard our conversation kaya agad niyang pinatawag yung mga mag-aayos sakin at pinakuha na rin lahat ng damit na kakailanganin ko.
Sa sobrang pagka-excite ni Mommy, 12 palang nasa school na kami.
Pinagkakaguluhan ng lahat ang suot kong gown.
Kulay blue siya na mala-Cinderella.
Pero mas pinagkakaguluhan nila si Mommy.
Lahat ata halos ng mga kaklase ko nagpapa-picture sa kanya.
I have a cool Mom. Kahit mga bagets talagang makaka-close niya.
Bigla kong naalala di Redix. Kinuha ko muna kay Mommy yung cellphone ko at tinext ko siya.
Beatrice (Ako):
I'm too early. Mom got excited kaya andito na ko sa school.
Hindi ko binitawan yung cellphone ko dahil hinihintay ko siyang magreply pero ala una na wala pa rin.
Kaya naisipan kong mag-text nalang ulit.
Beatrice (Ako):
Red text mo ko pag nandito ka na para makalabas na ko ng room. Dito ka dumiretso sa room ko, sabay daw tayong aakyat sa stage.
Lumipas pa ang isang oras at kailangan ko nang lumabas ng room pero wala pa rin si Redix.
Ilang beses na rin akong tumawag sa kanya pero di niya sinasagot.
Kinakabahan tuloy ako.
"Pano yan? Wala pa yung kasama ni Beatrice?" tanong ni Aica kay Zoom.
"Mauna ka na dun Beatrice. Dadating din yun mamaya. Diba nga na-late lang siya the last time?" sabi ni Z.
No choice.
"Bakit nga ba wala pa si Redix anak? Bat di mo itext o kaya tawagan?" sabi ni Mommy nang magsimula na kaming maglakad papunta sa gym.
"Kanina ko pa tina-try My, pero di siya sumasagot." sabi ko.
"Do you want me to contact your Tita Pat para—"
"Wag na My." I tried to smile.
* * *
Ako na yung susunod na lalabas.
Pero wala pa rin si Redix.
"Now let's give it up for Miss Beatrice Scott with Redix Gabriel!" masiglang sigaw ng emcee.
Lalong kumalabog ang dibdib ko. Wala pa rin siya. Makakahabol pa ba?
Please Redix. Dumating ka na.
Umakyat na ako sa stage.
Natanaw ko na rin si Jameson sa harap at mukhang nagtataka siya kung bakit hindi ako akay ni Redix.
Meaning nandito na siya kanina.
Sabi kasi sakin ni Jameson kanina sabay-sabay daw silang pupunta dito.
Malakas ang palakpakan ng mga tao pero nang mapansin nilang wala akong kasama, natahimik ang lahat.
"Aww bakit walang partner si Ms. Scott?" sabi ng emcee kaya mas na-down ako.
Kusa nalang akong napahinto sa paglakad at pinagmasdan ko ang paligid.
Sobrang daming tao.
Sa tingin nila sakin, parang naaawa na sila.
Nakita ko si Mommy na ganun din ang expression sakin pero nag-thumbs up siya nang mapansing nakatingin na ko sa kanya.
Nanlambot ako.
Hanggang sa makarinig ako ng mga sigawan.
Bigla nalang dumilim.
* * *
Jameson
Bwiset.
Naiinis ako.
Naiinis ako kasi pakiramdam ko kawawa yung kapatid ko.
Nasan na ba kasi si Captain?!
Dumapo kay Mommy ang tingin niya at nag-thumbs up naman si My.
Napahinto na rin siya sa paglalakad.
Di na ko makatiis.
Papaakyat palang sana ako sa stage para yayain na siyang bumaba pero nagsimula nang magsigawan ang mga tao nang bigla siyang gumewang.
Natulala ako at natauhan nalang nung bumagsak na siya sa sahig.
Agad na akong kumaripas papunta sa stage at binuhat siya.
Sobrang putla.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016