Chapter 29: What the heck

615 23 3
                                    

Beatrice

Kahapon pa ko kinukulit ni Jameson. Kala mo naman napakalaki ng problema.

If I know, gusto niya naman talaga kong lumipat ng school para walang magsusumbong sa pambababae niya.

Iginayak ko na yung mga gamit ko para bukas. Para hindi na magkanda-ugaga sa umaga.

At isa pa, dapat maaga akong pumasok. Para sure na hindi mapapahiya sa first day. Ayoko nang maulit yung nangyari nung first day of school ko this year.

* * *

"Good morning Mommy."

"Good morning." bati niya pabalik atsaka inilapag na sa table yung bacon at sunny side up egg.

Nagsimula na akon kumain nang magtanong si Mommy, "Bakit ang aga mo ata?"

"I can't be late My, kaya mabuti na yung maaga."

"Ayaw mo bang sumabay nalang kay Jameson?" aniya.

"No, it's okay Mommy. I'll drive on my own, atsaka baka tanghaliin pa yun ng gising eh." sabi ko.

Pagkatapos kong kumain, umalis na rin kaagad ako. Napapadalas na wala si Dad sa bahay, kaya nga buti nalang may time pa si Mommy samin.

Pagkaparada ko palang ng kotse sa parking lot, napansin ko na agad yung mga estudyante na nagmamadaling pumasok sa loob ng university.

Yung iba, may dala-dalang cartolina, card boards, tas damit. Anong meron? Hindi naman ata ako na-inform na may program dito ngayon.

Kinuha ko na yung bag ko atsaka bumaba ng sasakyan. Habang naglalakad sa hallway, maraming tumitingin sakin.

Alam ko naman na kung saan yung room ko kaya agad na kong dumiretso dun.

Bumungad sakin ang napakagulong mga upuan. Actually pati yung mga tao dito sa loob nagkakagulo.

"Wag siya. Hindi talaga bagay yung pang itaas sa kanya eh." sabi nung isang lalaki. Siguro siya yung class president dito.

"Edi palitan nalang natin yung damit niya sa taas. Nakakailang palit na tayo ng model, nakakangawit na." reklamo naman nung lalaking may hawak na dslr.

Uh, excuse me? Ano pong meron dito? .____.

"Uy sino yun?" baling sakin nung babaeng may hawak naman ng mga accessories, "President! Tranferee ata to ah, siya nalang gawin nating model."

Dahil sa sinabi nung babae, napukaw sakin lahat ng atensyon nila.

Naglakad papalapit sakin yung lalaking sa tingin ko kanina e President nila. Well, tama nga kasi tinawag siyang President nung babae eh.

"Transferee ka?" tanong niya at tumango naman ako.

"Ano bang section mo?" tanong niya ulit.

"Dito raw sabi sakin ng Principal." sagot ko at bigla namang nagsigawan lahat.

"Aica bihisan niyo na 'to!" biglang sigaw ng President at lumapit naman sakin yung ibang mga babae.

Ipinasuot nila sakin yung suot na damit nung girl na kinukuhanan ng picture kanina.

Nilagyan din nila ko ng make up atsaka sinabitan ng mga accessories. Wtf.

"Labas ka na." sabi nung Aica. Dito kasi nila ko pinagbihis sa likod ng cabinet.

Sinunod ko naman yung sinabi niya.

"Wow. Sa kanya palang bumagay yung damit."

"Ang ganda ng hubog ng katawan niya no? Kainggit. Huhu."

"Gorgeous lips."

Marami akong narinig na comments nila. Pero yung huli ang nakaagaw ng atensyon ko.

Yung photographer.

Pinapwesto ako nung President sa area kung saan nasasakupan ng puting tela.

Ang awkward ng feeling. Lahat tinitignan yung galaw ko. Ano ba yan.

"Gumawa ka ng kahit anong pose. Basta kailangan makita ko yung confidence mo sa bawat porma." aniya, "Game."

Maraming klase ng pagpapa-cute ang ginawa ko sa harap ng camera. Pero parang walang effect eh.

Kaya para maiba, nag-fierce ako.

Yung isa kong kamay nakahawak sa buhok ko na parang hinahawi yon.

Yung isa naman, sa front lang at para kong may hawak na pamaypay.

"Ang ganda niya."

"Malaki ang chance nating manalo this year."

"Sexy, pare."

"Done. Nakuha ko na yung pinakamaganda." sabi nung photographer habang nakatingin kay President sabay tingin sakin, "Maganda siya, hindi ako nahirapan."

"Thank you sa tulong, Miss?" —President

"Beatrice. Beatrice Scott." sabi ko atsaka ngumiti.

Pinagbihis na ulit ako nila Aica at pagkatapos nun, halos lahat sila sa room, sakin lang nakatutok ang atensyon.

Ang dami nilang tinatanong.

Tulad nalang kung modelo daw ba ko. Sa isip isip ko, ,hanep ang ganda ko naman pala kung ganun. Hahahaha!

"Ano bang meron ngayon?" tanong ko kay Aica.

"Pageant. Actually kahapon lang nag-announce kaya talagang sobra kaming natataranta." aniya.

"E bakit ako yung kinuhanan niyo ng picture? Hindi naman ako kasali dyan." sabi ko.

"Hahahahaha! Sira. Ikaw na yung panglaban ng section natin!" natatawa niyang sabi na para bang ako na yung pinakatanga sa mga segundong to, "May ibang contestants galing sa ibang university. Mamayang hapon, magpapakilala kayong lahat."

Wait, what.

Pageant?!

"Aba teka. Ayoko sumali sa mga ganyan. Iba nalang! Di ako marunong sa mga ganyan." dahilan ko.

Umiling iling nalang siya habang nakangiti.

Teka nga,

"M-May mga kasali ba from the university of—"

"Lahat ng university na malapit dito satin kasali. As in lahat." pagputol niya sa itatanong ko sana.

"Sinong ka-partner ko?" I asked again.

"Si Sandro." aniya sabay turo, "Ayun oh. Yung photographer mo kanina."

Oh.

What the heck did I just get into.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon