Chapter 41: Goodbye

648 26 0
                                    

Jameson

"Mommy nagtataka na si Ate kung bakit hindi pa siya lumalabas ng ospital. Let's just tell her." sabi ko kay My na kausap ko sa cellphone.

[ I don't know how anak. ] aniya at bakas na bakas sa boses ang kaba.

"Ako na ang bahala. Nakahanap na ba kayo ng donor?" I asked her.

Nandito ko sa canteen ng ospital ngayon habang nagpapahinga si Ate sa kwarto niya.

[ Wala pa. Pero naayos na ng Daddy mo yung pagpapunta naming dalawa sa Thailand. May kilala kaming magaling na doctor dun. ] aniya.

"Hindi ba talaga ko pwedeng sumama?"

[ You have to go to school. Kailangan din ng daddy mo ng kasama habang wala kami. ]

"Okay, I understand. Kailan ba kayo aalis at hanggang kelan kayo sa Thailand?"

[ Tomorrow. And I still don't know when we'll come back. ]

I sighed, "Ilalabas ko na ba siya today?"

[ Sige. Susunduin namin kayong dalawa ng Daddy mo mamaya. Sabihin mo na rin agad sa kanya. ]

"Okay." I hung up.

Naglakad na ako pabalik sa kwarto niya dala yung binili kong pagkain.

Hindi ko alam kung paano sisimulang sabihin sa kanya to.

Huminga muna ako nang malalim bago buksan ang pinto pero laking gulat ko nang makita kong umiiyak siya habang may hawak na isang papel.

The result paper.

"M-May sakit ako?" humihikbi niyang tanong at di makapaniwala.

Nilapitan ko siya at niyakap nang mahigpit. Yumakap din siya sakin.

"M-Mamamatay na ba ko?" tanong niya.

"Hindi. Hindi ka mamamatay." I tried to make it sound so convincing.

Kumalas siya at sumigaw, "I don't want lies! Tell me the truth! Last stage na ko right?" sobrang iyak ang ginagawa niya. I can't stand looking at her.

"Lalabas na tayo dito mamaya." I gulped dala ng sobrang kaba at lungkot, "You're going to Thailand with Mommy tomorrow. Magpapagamot ka dun."

"T-Thailand? For h-how long?" she asked.

"I don't know."

"Pero paano yung studies ko? Paano si Redix—"

"You need to stop your shit with Redix. Nakakasama lang siya para sayo. Lalo na sa kalagayan mo." pagputol ko sa sinasabi niya.

"Hindi totoo yan—"

"Kung seryoso siya sayo, edi sana dumalaw siya sayo dito kahit isang beses lang diba? Pero hindi naman e." dagdag ko pa.

Hindi ko nalang sasabihin na magkasama ngayon si Redix at Yeshley.

Lumapit ulit ako sa kanya, "Ate kita. I care for you. I love you. And I'll always wish for what's best for you. Kailangan mong gumaling Ate. Please... Magpagaling ka."

Sobra sobra ang paghikbi at pagtulo ng mga luha niya.

Kaya sa pagkakataong to, umiyak na ako sa harap niya at nagmakaawa.

Niyakap niya ako at tumango tango, "But please let me do something before I leave tomorrow." aniya.

"Alam ko na yan. Pumapayag ako." I forced a smile, "Remember this... Kung kayo talaga ang tinadhana, kahit matagalan ka pa sa ibang bansa, fate will work. But for once Ate, for now, sana sarili mo muna ang isipin mo."

She nodded sadly.

* * *

Beatrice

"Cr lang ako." paalam ko kay Jameson habang nagbabayad siya ng bills.

"Okay. Mag-ingat ka."

Nanlalambot pa rin ako. I'm so weak.

Pagkatapos kong mag-cr, sobra akong natuwa nung nakita ko si Redix.

Bibisitahin niya ba ko?

Nagmadali akong lapitan siya. Pero pumasok siya sa isang kwarto, di naman sana yun yung kwarto ko ah.

Nagtataka man, kumatok ako sa kwartong yun at gulat na gulat ako nang si Tito Ice ang bumungad sakin.

Halatang nagulat din siya sakin. Napasilip ako sa loob at namuo agad ang luha sa mga mata ko nang makita si Redix na hawak-hawak yung kamay ni Yeshley.

"Beatrice? Are you okay?" tanong ni Tito Ice kaya napalingon na sakin yung dalawa.

Nanlaki ang mata ni Redix at lalapit na sana sakin pero naglakad na ako palayo.

Wala na si Jameson kaya lumabas na ako ng ospital habang umiiyak.

Akala ko ba mahal niya ko? Sabi niya pa nga liligawan niya ko...

Malapit na ako sa parking lot nang may yumakap sakin mula sa likuran.

Mas lalo akong napaiyak.

"B-Beatrice... I'm sorry."

"Sabi m-mo mahal mo ko." I told him. "Hindi pala."

"No. No. Mahal talaga kita Beatrice. Magkaibigan nalang kami ni Yeshley maniwala ka sakin." naramdaman kong tumutulo ang luha niya sa balikat ko.

"Di mo ba alam na naka-confine din ako?"

"Alam ko. Sorry kung hindi kita mapuntahan-"

"O-Okay lang. Di ko naman alam na dumating na pala si Yeshley." tinanggal ko ang mga kamay niyang nakapalupot sakin, "Kailangan ko nang umalis."

Naglakad na ako ulit.

"Beatrice I love you!"

I stopped.

"Pupunta ako sa ibang bansa Redix. I don't know when I'll come back here, pero bago ako umalis gusto kong magpaalam sayo." I faced him, "Siguro matatagalan ako bago bumalik. Sana that time alam mo na talaga yung totoong nararamdaman mo. I love you too. Goodbye."

Tumalikod na ako at pinigilan ang paghikbi hanggang sa makalayo na ko sa kanya.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon