Beatrice
Halatang nagulat siya nung bigla akong humalik pabalik, naramdaman kong ngumiti siya atsaka ako hinalikan ulit.
When we stopped, hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi.
"I love you Beatrice." he whispered.
You have no idea how long I've waited to hear those words from you.
I smiled, "Di ako makapaniwalang naririnig ko na yan sayo."
Lalong umaliwalas ang mukha niya, "So, tayo na?"
Lumayo ako, "Grabe ang bilis mo naman."
Tumawa siya sabay kinuha yung isa kong kamay, "Hahaha, joke lang. Liligawan muna kita."
Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Pero pilit niyang sinisilip ang mukha ko habang tumatawa kaya pinagdikit ko nalang yung noo tas tuhod ko.
"Bat ba tinatago mo mukha mo?" tanong niya habang tawa pa rin ng tawa.
Pakshet.
"Uy!" pangungulit niya sabay sundot sa tagiliran ko.
Dahil dun napaharap ako sa kanya.
My heart's beating so fast na pakiramdam ko rinig na rinig na niya.
"Kahit madilim pa, kitang kita ko na yang pamumula mo." pang-aasar niya, sinapak ko nga.
Kainis to. Lalo tuloy bumibilis heartbeat ko.
Para talagang lalabas na yung puso ko dahil sa mga nangyayari na to.
Nanaginip ba ko? Isang kurot naman oh.
* * *
"I'll see you later, okay?" tumango at ngumiti ako sa kanya bago magtanggal ng seatbelt.
Six na ng umaga at kahit wala pa atang isang oras yung tulog ko, hindi ako makaramdam ng antok.
So yes, hindi nga ako nananaginip. Jusko, feeling ko sasabog na yung mga nararamdaman ko ngayon. Baka bigla nalang akong sumabog.
"Uh, Redix?" I faced him bago ako bumaba ng kotse niya.
"Hmm?" aniya habang nakangiti. God, kung may nagawa man po akong mabuting bagay kaya ganito na si Redix sakin ngayon, maraming thank you po. Haaay.
Ang amo amo talaga ng mukha niya.
Habang nalulunod ako sa titigan naming dalawa, naalala ko bigla kung halik niya kanina. It's so... ugh. Parang ang sarap ulitin.
Lol.
"S-Sigurado ka bang wala kang sakit?" tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa leeg at noo, "Baka naman nilalagnat ka lang."
Tumawa siya ginawa ko at hinawakan yung dalawa kong kamay, "Nabibilisan ka rin ba sa mga nangyari?" he asked.
"Don't worry Beatrice, we'll take this slow. Magaan na rin yung loob ko ngayon na alam mo na yung nararamdaman ko para sayo. And by the way, thank you." aniya.
"For what?" I asked.
"For taking risk. I'm not perfect, I'm rude, selfish, and cold all this time. Pero ngayon alam ko na na may isang tao pa rin palang katulad mo." he smiled, "For melting the ice that's covering my heart, thank you." aniya at hinalikan ako sa noo.
Nang ginawa niya yun, feeling ko I'm protected. Secured.
Biglang may kumatok sa bintana sa side ko kaya agad akong napabalikwas.
Jameson.
Hindi tinted ang kotseng sakay namin kaya alam kong nakita niya ang ginawa ni Redix.
Kitang kita ko rin ang pagkalaglag ng panga niya sa nasaksihan. Papalit-palit ang tingin niya saming dalawa ni Redix.
"Pasok na ko." natatawa kong sabi sa kanya dahil na rin sa reaction ng kapatid ko.
"Sige, kumain ka na agad ng breakfast ha. Mamimiss kita." aniya.
"Grabe. Mamimiss agad?" tumawa ako.
"Para ngang gusto na kitang iuwi eh." tumawa rin siya, "Sige pumasok ka na bago pa kita halikan ulit."
Naramdaman ko na namang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya bumaba na ko agad.
"Ingat sa pagd-drive." sabi ko sa kanya bago isara yung pinto.
Hinila ko na si Jameson papasok sa loob pero bago pa kami tuluyang makapasok na dalawa, narinig kong bumusina yun kotse ni Redix kaya sumilip ulit ako sa labas.
Pati tong chismoso kong kapatid kahit nakanganga pa, nakisilip pa rin.
"I forgot something." sabi niya sakin.
I gave him my questioning look.
"I love you."
Matapos niyang sabihin yun ay pinaharurot na niya yung kotse.
Naiwan akong nakangiti lang doon nang biglang sumigaw si Jameson,
"KAKOKORNI NG MGA TAO NGAYON!" sabay pasok sa loob ng bahay. Bitter.
"HOY PUMASOK KA NA DITO AT MAGPAPALIWANAG KA PA KAY MOMMY!" sigaw niya ulit kaya napakaripas ako ng takbo papasok ng bahay.
Crossed fingers. Sana wag ako pagalitan.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016