Chapter 27: Transfer

696 27 4
                                    

Beatrice

It's been a two weeks since malaman niyang gusto ko siya. Siguro nga wala siyang ganong tama ng alak nung gabing yun.

Dahil kung wala nga, hindi niya talaga ko iiwasan.

Kahit madalas siya sa bahay these past few days sa di malamang dahilan, ni isang lingon o tingin sakin, di niya talaga ginagawa.

Eto na yun.

Eto na yung hiniling ko sa kanya. Half of me's feeling good dahil tinutulungan niya ko.

Pero hindi niyo rin naman ako masisi kung nakakaramdam ako ng lungkot diba?

Yes, I'm sad. Maybe because it's all back to zero. Ang tagal kong nagpapapansin sa kanya pero back to zero lahat.

Mag-isa akong umuwi sa bahay. At hindi na rin ako nagulat nang bumungad sakin ang kapatid kong si Jameson at siya.

Dinedma lang ako ng magaling kong kapatid. At ano pa bang aasahan ko dun sa isa?

Ano bang pinag-uusapan ng dalawang 'to at lagi nalang silang magkasama?

Umakyat ako sa kwarto ko atsaka nagbihis. Bababa sana ulit ako para kumuha ng pagkain sa kusina kaso narinig ko yung sinasabi ni Jameson,

"I never expected na seseryosohin mo 'tong date na 'to." aniya.

"Maybe it's time to play." eka naman ni Redix.

"Woah. Hahahaha! Finally Captain, finally!" tuwang-tuwang sabi ni Jameson, "You shouldn't be wasting time for Yeshley."

"I actually don't know anymore if I'm doing this for Yeshley." ani Red.

Ano 'to? Gagayahin niya yung mga lalaki sa Wattpad at movies na magpapaka-playboy? Yun ba yun?

Edi wow.

The hell I care?

Tuluyan na kong bumaba na parang walang narinig. Pero tinawag pa ko ni Jameson,

"What?" I carelessly asked.

"You know Janel right? Pwedeng pakisabi sa kanya na punta siya sa gym bukas? Uwian." aniya.

"First of all, hindi ako utusan. Second, may paa at bibig ka naman kaya bakit ako pa ang uutusan mo? Third, yes, I know her, but we're not close. Lastly, wala akong pake dyan sa business niyo kaya wala rin akong gagawin dyan." sabi ko.

"Oo nga e no. Obvious nga na wala kang pake. Hahahaha!" eka ng bwisit kong kapatid kaya naglakad nalang ako ulit atsaka kumuha ng pagkain sa ref.

Paakyat na sana ko ng hagdan pero humirit ulit si Jameson, "Oy basta sabihin mo kay Janel ah. Sabihin mo hihintayin siya ni Captain."

I looked at him blankly at umakyat na.

Pinilit ko rin na wag magtapon ng tingin kay Redix. Baka may masabi pa eh. Mabuti na yung talagang iwas na iwas.

So, si Janel San Miguel pala?

Ang lasenggerang kaklase nila Ate Hera. Saktong sakto yung apelyido no? San Mig.


* * *

Nandito ako sa cafeteria ngayon habang kumakain ng tinapay at naglalaro sa cellphone ko.

Nakakaadik pala talaga yung basketball sa messenger, ilang oras palang mula nung sinimulan kong laruin at hanggang ngayon di ko na halos mabitawan 'tong—

"Huy."

"Ay tae!" sigaw ko.

"Pindot ka nang pindot dyan ah. Ano ba yan?" tanong ni Ate Hera at tumabi na sakin.

"Basketball. Ikaw Ate, aatakihin ako sa puso dahil sayo." ani ko at tinuloy yung paglalaro. Buti hindi na-out, 34 na e.

"Nasan si Janel?" tanong ko sa kanya. Wala, naalala ko lang.

"I dunno. Uh, pinopormahan ba ni Jameson yun?" tanong niya pabalik.

"Hindi, bat mo naman natanong yan?"

She shrugged, "Pumunta kasi kanina sa room yung kapatid mo kanina, edi ayun naki-usisa na rin ako. Nagkakagulo yung girls e, alam mo na, lahi kayo ng magaganda't gwapo."

I raised my eyebrow, "Magku-kwento ka na nga lang, mambobola ka pa. Hay nako Ate."

"Totoo naman kasi," sabay irap, "Balik sa topic, parang tanga si Jameson kanina dahil sa pangungulit kay Janel. Yung babae naman na yun, kung nakita mo lang talaga yung mukha, grrr."

Malamang kinukulit niyang pumunta sa gym. At yung Janel naman na yun, pakipot pa.

"Ah." yan nalang ang nasabi ko atsaka inubos na yung tinapay. Hindi na rin ako maka-concentrate sa nilalaro ko, "Alis na ko Ate."

"Osige. Ingat." aniya at sakto namang nagsidatingan yung iba niya pang kaibigan. Nginitian ko silang lahat bago umalis.

Si Ricka kaya kumusta na? Wala siya kanina sa klase.

At dahil nga uwian na, dumiretso na ako sa parking lot ng school. Ang sarap pala sa feeling na mag-isa kang nagd-drive papuntang school at mag-isa ring uuwi.

Papasakay na sana ako sa kotse nang matanaw ko naman sa di kalayuan si Redix.


With Janel.

Hah. As if I care.


Pumasok na ako sa kotse atsaka nagmaneho papunta sa bahay nila Ricka. Hindi ko naman siguro maaabutan si Redix dun dahil panigurado ihahatid niya pa si Janel.

While driving, tumutugtog sa radio yung Kundiman.


"Kung hindi man tayo hanggang dulo,
Wag mong kalimutan,
Nandito lang ako laging umaalalay.
Hindi ako lalayo.
Dahil ang tanging panalangin ko, ay Ikaw."


Ipinarado ko ang kotse sa gilid ng bahay nila atsaka nagmadaling bumaba para mag-doorbell.

Sinalubong ako ni Yaya Pasing, "Tuloy ka, Ija."

"Ah hindi na po Ya. Itatanong ko lang ho sana kung bakit di pumasok si Ricka. May sakit po ba siya?" ani ko.

"Huh? Pumasok siya—"

"Cooperation pala ha." para akong nanigas nang marinig ang boses ni Redix na nasa likuran ko lang, "Janel, mauna ka na sa loob. Ya, ipaghanda niyo po muna ng makakain si Janel ha." baling niya kay Yaya Pasing at pumasok naman sa loob si Janelandi. Este Janel.

"Pwede mo naman sanang i-text si Ricka diba? Hindi mo ka kailangan pang pumunta dito." baling niya naman sakin.

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin kaya tumalikod nalang ako at naglakad na pabalik sa kotse.

Kaso humirit pa siya e, "Kung pwede sana wag ka na ulit pupunta dito."


"Sure. Pero para mas maganda, hindi na rin ako magpapakita sayo." ani ko.

"How is that even possible? Araw-araw tayong—"

"Walang imposible." pagputol ko sa pagsasalita niya.


Edi lumipat ng school.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon