Chapter 45: Mall

593 22 0
                                    

Redix

Nasa mall ako ngayon.

Sinama ako ni Ricka dahil tulog na tulog pa si Yance.

Ayan kase, madaling araw na nasa bahay pa.

Nasa isang boutique shop kami ngayon.

"Kuya bagay ba sakin to?" tanong ni Ricka.

Kanina pa ko tango nang tango pag nagtatanong siya.

Kaninang kanina pa rin kami dito pero wala pa siyang napipili kaya umupo muna ako sa isang couch nila.

Nagbukas na naman ako Facebook para tignan kung may bagong upload na picture ulit siya.

Wala.

"Six years ba ulit bago ka mag-upload?" kinakausap ko yung picture niya sa cellphone, "Upload ka na please."

Na-excite na naman ako nung biglang nagkaroon ng 1 new story sa news feed ko.

I scrolled up,




"YES!"





Napatingin ako sa paligid at lahat ng tao nakatingin sakin dahil sa pagsigaw ko.

Nilapitan ako ni Ricka, "Uy kuya ano ba yan? Bat ka sumigaw?" aniya.

Di ko siya pinansin.

Caption: Shopping day, slay saturday.




Binabaliw mo ba ko Beatrice?



Inagaw ni Ricka ang cellphone ko kaya napatayo ako, "Tsk Ricka. Mamili ka na nga lang kasi dyan! Iiwanan kita dito." sabi ko sa kanya.

"Woooow. Shet ang sexy ni Ate B!" aniya at di pinansin ang sinabi ko.

Hinayaan ko nalang siya at dumapo ang tingin ko sa babaeng nakatalikod sa labas.

Inagaw ko agad kay Ricka yung cellphone at tinignan ulit yung damit na suot ni Beatrice.



Shit!

Parehas!

Agad akong lumabas para puntahan yung babae pero,




Bat nawala na naman?

Nahihibang lang ba ko o talagang nandito na siya?


* * *

Tuliro ako hanggang makauwi kami ng bahay.

Naisipan kong tawagan si Jameson,

"Hello?"

[ Y o y? ]

"Di ka nagreply sa text ko. Nandyan na ba siya-"

[ Mamaya nalang. Manonood na kami ng sine ni Ciana. ]

Tapos pinatay niya na yung tawag.

Pangalawang beses na to. Di kaya buang na ko?

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon