Chapter 19: Valueless

798 32 4
                                    

Ricka

"Hindi naman kasi lahat kailangang sabihin sayo." he laughed, "Eto naman. . . Hindi ka ba masaya para sakin?"

Oo nga naman Ricka. Hindi lahat ng bagay kailangan pang sabihin at i-report sa'yo.

"Masaya." I forced a smile, "Pero di ba bawal magtago ng sikreto?"

"Hindi ka naman masaya e." aniya at yung ngiti niya, napalitan nung expression na para bang hindi makapaniwalang ganito ang matatanggap niyang reaction mula sakin.

Sino ba kasi yung Christina na yun? Ni hindi ko pa nga nakikilala eh. Syempre nabigla lang ako.

Nabigla nga lang ba talaga Ricka?

Ugh. Bakit ba kinakausap ako ng utak ko?!

Pinilit ko ulit na ngumiti nalang at 'wag na pansinin yung sinabi niya, "Alis na 'ko."

Tinalikuran ko na siya dahil ramdam ko na yung pag-init ng mga mata ko. I'm close to crying. At ayokong mangyari yun habang nakaharap ako sa kanya.

"Wala kang kwenta." bigla niyang sambit kaya binilisan ko na ang paglalakad. Hindi ko na rin kasi napigilang wag tumulo yung luha ko.

Oo wala akong karapatang kwentyunin siya dahil kaibigan lang ako. Wala lang akong kwenta.

~flashback

Nag-text sakin si Yance, pinapasabi niya kay Kuya na hindi siya makakasama sa laro nila sa plaza ngayon dahil nilalagnat siya. My goodness. Kung bakit kasi nagpaulan pa kahapon. Binabawal ko na nga ayaw pa rin magpabawal. Pasaway talaga.

Pagkatapos kong sabihin kay Kuya Redix, lumabas na ako ng bahay. Pupuntahan ko si Yance. Kailangan niya 'ko ngayon. Wala kasi sila Tita Yanna at Tito Lance sa bahay nila dahil nag-out of town.

Malapit na ako sa mismong entrance ng village nang bumuhos ang malakas na ulan, "Manong! May payong ba kayo dyan? Pwede po bang pahiram?" tanong ko kay Manong guard na nagbabantay.

"Ah wala ija." sagot niya.

"Ah sige po, salamat nalang." ani ko at lumabas na ng mismong entrance. Wala ring dumadaang taxi kaya tinakbo ko nalang. Pumasok na rin ako sa isang convenient store atsaka bumili ng pwede niyang kainin.

Nagmakaawa pa nga ako dun sa nagtitinda na bigyan niya ako ng medyo malaking plastic para pantakip ko sa ulo ko. May pagkasungit kasi.

Pagkarating ko sa bahay nila Yance, nasilip ko siyang nakahiga sa sofa nila sa sala. Papasok na sana ako kaso biglang may babaeng lumabas galing sa kusina at may dala-dalang bowl ng soup siguro yun. Pinaupo niya si Yance atsaka sinimulang subuan. . . It's her girlfriend.

"Oh Ricka, bakit andyan kang bata ka? Ang lakas ng ulan oh!" sabi sakin ni Yaya Lourdes. Nang sumilip ako ulit sa bintana, palapit na si Yance sa pinto. "Yaya, may bisita ba 'ko dyan?" tanong niya.

No. He can't see me.

Agad kong inabot kay Yaya Lourdes yung mga dala kong gamot at pagkain para kay Yance, "Ya, pakibigay nalang po sa kanya. Wag niyo na pong sabihin na ako ang nagpapabigay. Salamat po." ani ko at tumakbo na.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon