Redix
"Hi Red."
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya. Still so beautiful. Just the same old Yeshley na minahal ko.
She smiled, "Mahal nga talaga kita." aniya dahilan para tumalon ang puso ko.
The thing is, I really want to shout pero hindi ko magawa. It's like my lips are sewn.
"But I have to leave you." dagdag niya pa sa mariin na pananalita kaya agad akong napatayo at akmang yayakapin siya but she disappeared. Parang bula.
Then I saw someone standing beside me na tinatahi ang dibdib niya, sa bandang puso while crying. I can't see her face. It's getting blurry.
Basta ang alam ko lang, umaagos na sakin yung dugong nawawala niya.
"Shit." I cursed nang bigla akong napabangon.
What the hell was that dream?
Tumingin ako sa gilid ko at wala na si Beatrice kaya bumangon na rin ako. Stupid nightmare. It's hunting me again.
Kahapon lang na-bad mood ako dahil nakita ko siyang may picture sa facebook kasama ang isang lalaki. And now, this? Shit.
I'm about to exit the room nang makita ko nalang si Yance at Ricka na magkayakap sa ibaba.
Ugh. Pasaway.
Okay fine.
Dyan masaya ang kapatid ko eh. So I'm in.
But not so fast.
Pahihirapan ko pa si Flores. Baka mamaya saktan lang nyan ang nagkakaisa-isang prinsesa ng pamilya namin.
You know. . . Dad and Mom's the King and Queen while her, the princess, and me-Ugh. Nevermind.
Walking downstairs, may naamoy na kaagad akong masarap sa kusina. Geez.
Just like Yance, tatanungin ko na rin,
How come na hindi tumataba si Jameson dito kung sobrang sarap magluto ng Ate niya?
Lalo na yung waffles. I'm not over reacting, but I think it's the most worth fantasizing dessert na pwedeng matikman ng isang tao.
Pumasok ako sa kitchen kung nasaan siya and I found her wearing an apron, holding a spatula, while. . . singing.
"Isang daang libong oras ka nang naiisip,
Ilang daang tulog ka na sa aking panaginip.
Ikaw pa rin ang nakikita sa tuwing nananalamin,
Ikaw pa rin ikaw pa rin ikaw pa rin. . ."Magaling siyang kumanta. Even the first time I heard her sing-which was yesterday, sa Ice cream parlor. . . Hindi ko naiwasang mapasabay.
Para siyang si Mama. Magaling na nga magluto, magaling pa sumayaw. Malayong-malayo sila ni Ricka sa isa't isa. Sintunado kasi yun eh.
Nakatalikod sa akin si Beatrice kaya sinilip ko ang niluluto niya. Carrots. How I hate 'em.
Bigla siyang humarap sa akin at akmang may kukunin sa table na nasa likod ko pero natigilan din.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016