Chapter 23: Ako

701 26 1
                                    

Beatrice

58-42 ang naging score sa huli. Sinong nanalo? Syempre yung school namin. Panigurado rin mamaya wala na 'kong boses pag-uwi sa bahay dahil sa kakasigaw.

Nagsisilabasan na yung mga tao at kaming mga cheerleaders at players nalang halos ang andito sa loob ng gym.

"Good job girls." ani Ate Fia sabay tapik saming lahat. At kaya naman pala halos magmakaawa na siya sakin kanina, kasi ayaw niyang matalo dun sa cheerleading squad nung kabilang school.

At ang baliw na part dun ay yung nakipag-pustahan siya sa leader nung kabila. Syempre, kami ang nanalo. No money involved naman. Kumbaga yung pride lang.

"Thank you girls." napalingon kaming lahat sa nagsalita. Ang gwapo niya pa rin kahit pawisan.

"O-Oh. You're welcome." ani Ate Fia at ganun na rin kaming iba. Pagkaalis ni Redix sa puwesto namin, nag-usap-usap na yung ibang cheerleaders na ikinainis ko.

"That's the first time! Kilig much!" mag-imagine kayo ng talking and jumping hipon. Ganun po yung itsura niya. Oh scratch that, gawin nating sugpo.

"Yes. Oh my ghad. Hindi na snob si Fafa Redix!" maka-fafa 'to. Isungalngal ko kaya sa kanya yung pompoms?

"Cut it guys. Somebody's jealous." pag-awat ni Charlie sa kanila—reason for everyone to look at me.

"What?" I innocently asked, "It's fine. Mas close naman ako kay Redix kaysa sa inyo." bulong ko.

"Una na 'ko girls. Umuwi na rin kayo." ani Ate Fia pagkatapos makipag-usap sa cellphone. Wag niyo 'kong pipilosopohin.

"Don't play innocent, Beatrice." said Charlie while smirking. Ano bang problema ng babaeng 'to sakin?

"Masama bang kiligin?" baling din sakin nung mukhang sugpo. "Arte mo ha." dagdag niya pa.

"I'll go now." paalam ko sa kanila at tumayo na. But someone grabbed my arm. It's Charlie again.

"Kinakausap ka pa namin." aniya.

One time lang. Pagbigyan niyo 'ko. Sosoplakin ko 'to.

"Wala kang karapatang magselos." ani niya kaya hiniklat ko yung braso ko at pumamewang.

"At wala ka ring karapatan na basta-bastang hilahin ang braso ko. Wala kang karapatang sabihin sakin na wala akong karapatang magselos. Tanga lang?" umismid ako, "Ang selos, hindi karapatan. Kusang nararamdaman 'yan." I stated.

"How dare you!" pagbubuhatan na sana niya ako ng kamay nang may magsalita, "And how dare you too. How dare you talk like that to my cheer—I-I mean, to your co-cheerleader." he exclaimed.

Tama ba yung narinig ko o may problema na 'ko sa tenga?

Nagbago kaagad ang facial expression ni Charlie at pasimpleng ibinaba yung kamay niya. Magsasalita pa nga sana siya pero hinila na ni Redix ang braso ko at nagsimulang maglakad palabas ng gym.

Kung siya ba naman ang laging hihila sakin, ayos lang. Haha! It's a privilege.

Hanggang makarating kami sa parking lot, hindi niya ko binibitawan.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon