Redix
"Captain!" dinig kong sigaw ni Jameson mula sa gym.
Ang dami niyang kasamang alipores.
"Oh bakit?" sabi ko nang malapitan niya ko.
"Hoooo! Ang hot niyo ni Ate dun kanina! Hanep talaga!" tuwang tuwa niyang sabi.
Naalala ko tuloy bigla yung shoot na yun.
Nilapitan ko pa nga kaagad yung photographer pagkatapos ng shoot kanina.
Nakakahiya.
Kasi sabi ko kay Beatrice, mag-fierce kami.
Pero tulad ng inaasahan ko, hindi e.
Nakapikit ako dun sa picture.
Aish.
Sobrang naw-weirduhan ako sa sarili ko.
I'm getting crazy.
Okay, I admit.
Gusto ko na nga talaga si Beatrice.
Or maybe it's much more than that. I'm not sure.
I even saved picture photos of her in my phone.
And still saving.
Naalala ko yung pambabara niya dun sa coordinator kanina, gustong gusto ko na tumawa.
Buti nalang napigilan ko. Hahahaha!
Parang gusto ko nang mamatay kanina nung pinatong niya yung kamay niya sakin.
Nakakabakla talaga hanep.
Hindi naman talaga ko dapat sasali sa program na 'to.
Pero pinilit-pilit ako ng mga kaklase ko.
Ako naman tong si tanga, pumayag na rin.
Pero ayos na ayos lang, makakasama ko naman pala siya dito.
Tunganga rin kasi si Jameson e, hindi man lang napigilan lumipat ng school e magkapatid sila.
Bolong.
"Huy Captain!" malakas na sigaw niya kaya natauhan ako. Hays.
Epekto ni Beatrice.
"Naks naman talaga oh. Tama nga talaga yung mga hina—"
Tinignan ko siya, "Ano?"
"Ah wala. Umuwi ka na, magpagwapo ka pa ha." sabi niya sabay tili ng malakas.
Hayop na 'to parang babae.
Nakakabingi tumili.
Patay ka sakin pag nag-training.
Dumiretso na ko sa parking lot habang sumisipol.
Hahay. What a day.
"Nakakabwiset talaga tong araw na to! BWISET!"
Wut?😂
Sumilip ako sa kotseng katabi ng akin.
At nakita ko dun si Beatrice na—
O___O
Nagtatanggal ng bra.
Sumakay na ko agad sa sasakyan ko at mabilis na nagdrive.
* * *
"Nakakabwiset talaga tong araw na to! BWISET!" malakas na sigaw ko sa parking lot.
Badtrip.
Nakasama ko na nga sa program na yan si Redix, binwiset pa ko ni Jameson.
Napakapanget ko daw kanina.
Ang bwiset diba?
Nakakabwiset lang ang bwiset.
Bwiset na yun. Bwiset talaga siyang bwiset siya.
Tinanggal ko nalang yung bra ko pagkaupo sa driver's seat.
Haaay. Better.
Atsaka ko lang naalala na hindi pa pala nakasara yung pinto kaya sinara ko na agad.
Wala naman sigurong nakakita.
Biglang may nagpaharurot ng kotse sa harap ng sasakyan ko kaya naisipan ko na ring umuwi, sa wakas.
Kakahinto palang ng sasakyan ko sa bahay nang biglang mag-ring yung cellphone ko.
"Hello?" I answered it. Unknown number.
[ Sorry. ]
Call ended.
Boses ni Redix yun.
Bat siya nagso-sorry?
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016