Redix
Shit. Naagaw ni Dela Rosa yung bola kay Flores. Gago kasi kung saan-saan tumitingin! Hinayaan ko na si Dimaawat na umagaw ulit dahil bantay niya naman yung nakakuha nung bola.
Lumabas muna ako ng court at pumalit sakin si Chen. Uminom muna ako ng tubig at tumayo sa gilid ng court. So far, ito ang pinakamalakas na nakalaban namin. Sobrang biniyayaan din kasi sila ng katangkaran kumpara samin.
"Kaya niyo 'yan Golden Phoenix! Go go go!" sa dami ng taong nagsisigawan, nangibabaw sa tenga ko yung sigaw na 'yan.
Nakasuot siya ng uniform ng mga cheerleaders. Kelan pa siya nasali sa squad?
So totoo nga yung naririnig kong bulungan ng mga lalaki kanina. May hawak siyang pompoms at natigil na rin ang tingin sa 'kin.
I smiled at her.
Pansin ko rin sa sarili ko na napapadalas ang pagngiti ko. Even Mom, sa bahay. At syempre, yung kapatid ko.
Nag-thumbs up sa akin si Beatrice at sinabing, "Kayang-kaya mo 'yan." na para bang magkalapit lang kaming dalawa. Akala niya ata hindi ko narinig kaya sumigaw na siya, "KAYANG-KAYA MO 'YAN REDIX! GO GO GOOOO!"
Todo bigay siya sa pag-cheer kaya nakisali na rin yung ibang cheerleaders. "Thanks Beatrice." I whispered to myself at pumalit na ako kay Hesus na halatang pagod na kaagad.
Thank God. Nakahanap ako ng pansamantalang motivation habang naglalaro.
Kung nandito lang kasi sana siya, wala akong kaproble-problema. Kaso wala e, wala talaga siya.
Nakay Madrigal yung bola—shooting guard ng South University. At tulad ng ginawa niya kay Flores kanina, binlock ko rin siya at inagaw yung bola. Itinakbo ko yun atsaka agad na pumwesto sa three-point area. Five more seconds. . . Four, three, two, one. . . Shoot!
Lumakas lalo ang sigawan sa gym at ipinatawag na kami ni Coach sa gilid. Nagbibigay siya ng konting tips. Pero sa kauna-unahang pagkakataon, naagaw ng mga cheerleaders ang atensyon ko.
Bumuo sila ng mataas na pyramid at ikinagulat ko na nasa pinakaitaas si Beatrice. Halatang sanay siya. She's smiling habang nakataas ang dalawang kamay sa ere.
Unti-unti silang kumalas at nakita ko kung paano nila sapuhin ang kapatid ni Scott. Todo ngiti pa 'to sa mga nanonood at todo sipol din yung mga kalalakihan. Mga balasubas—
"Gabriel, nakikinig ka ba?" sita sakin ni Coach kaya napatingin ako sa kanya. Lahat sila. Nakatingin na rin sakin. Umubo-ubo pa yung iba. Pero si Jameson, nakatingin lang sakin. Nahuli ata akong todo titig sa kapatid niya.
Tinawag na ulit kami sa loob ng court kaya nagsitakbuhan na yung mga kasamahan ko. Sinabayan ako ni Scott sa paglalakad, "Nakita ko yun Captain. Anong meron ha?" aniya.
"Nothing." tipid kong sagot at tumakbo na rin. Nase-sense ko na yung topic e.
Sumulyap ulit ako kay Beatrice. Talaga bang mahilig siyang ngumiti? Ang daming tumitingin sa kanya e.
Pawis na pawis na rin siya so Ate Fia lend her a bottle of water and a towel. Inabutan pa nga siya ng face powder o kung anong makeup but she declined.
Tama lang. Hindi na siya dapat gumagamit nun. She's beautiful enough.
-
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016