Prologue
Napakagat-labi ako at huminto na sa paghakbang.
I faced my Mom,
"Look My, I can't stay here dahil gusto kong doon na tapusin ang pag- aaral ko sa Pilipinas. Andun ang mga kaibigan ko and I just can't leave them all hanging." I said.
My Mom smiled sweetly, senyas na hindi pa rin siya titigil sa pangungulit, "Beatrice, you can also have a lot of friends he—"
But thank God na hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil sumigaw si Daddy mula sa kwarto nila, "Honey! Nasan ang isusuot ko?"
She sighed, "We'll talk again later," at inunahan niya na ako sa pagakyat ng hagdan.
Ayaw kong mag-aral dito sa US. I'm only here for a vacation at yun ang usapan namin bago pa man ako pumunta rito.
Ayaw ko ring mahiwalay sa mga kaibigan ko ron. Hindi pwedeng pumirmi lang ako dito ng biglaan at basta-basta.
Most if all, ayaw kong palipasin ang kahit na isang araw na hindi ko siya nakikita. Magda-dalawang buwan pa nga lang, nangangati na 'ko, tatlong taon pa kaya?
I am about to enter my room nang marinig kong may kausap sa cellphone si Jameson—my younger brother.
Pero kung pagtatabihin kaming dalawa, magmumukha akong mas bata. Dahil sa height. Pati na rin sa ugali. Mas matured siyang kumilos at magsalita.
"Captain, magt- train ba ng panibagong students na papasok sa team?—Ah okay—I'll be home tomorrow—Friday night pala Captain, at Tito Ice's bar—Yeah, It's my beerday—Okay okay."
Parang nanlaki ang tenga ko nang marinig ang pagbanggit ng kapatid ko sa 'Captain'. He's talking to him!
Agad akong pumasok sa kwarto ni Jameson at inagaw sa kanya ang cellphone.
Pero bago ko pa man itutok sa tenga ko iyon ay nagsalita na ang magaling kong kapatid, "Binaba niya na."
I heavily sighed. And easily get pissed off.
Nainis ako kaya binalibag ko ang cellphone niya sa kama at agad siyang binatukan.
"Kainis ka talaga!" inirapan ko siya, "Sayang. . ." nakabusangot kong sabi at napabuntong hininga ulit.
Ugh. Miss na miss ko na talaga siya.
"Tsk. Kung bakit kasi umaasa ka pa." sambit ni Jameson
I glared at him but he just mirrored me.
"Hoy ate mo pa rin ako kaya wag kang nagsasalita ng ganyan ah. Palibhasa ikaw, puro pambababae ang alam." sabi ko sa kanya
He stopped glaring like it's a glaring game between me and him then smirked. Tss.
Basta babae talaga ang usapan. He's always proud. Proud because he can easily make a girl act as his slave or a dog—to make it more understandable. Due to his very good looking appearance like Dad's.
Before he could even say a word, lumabas na ako sa kwarto niya and started walking with heavy feet towards my room.
Humiga ako sa kama ko at tumulala sa kisame.
Pumapasok na naman tuloy sa isip ko ang maraming bagay. Just like:
If he's now fine, kung marunong na ba siyang ngumiti, kung kumusta na siya, kung nagkasakit ba siya ngayong summer vacation namin, kung mapapansin na ba niya ako sa school this year kasi five years na rin akong nagpapapansin, at kung nakalimot na ba siya.
And because of those thoughts, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa ganung position.
Nagising lang ako nang marahang bumukas ang pinto.
Tumingin ako sa wall clock, tatlong oras rin pala akong nakatulog.
Pumasok si Mommy. Ugh, I know she's still going to bug me out because of that thing. Here we go again. . .
"My, I told you already, I'm not gonna settle down here. Please understand me." inunahan ko na siya dahil di ako makatiis.
Pero imbis na kulitin ako kay hindi siya kumibo.
I got curious kaya mula sa pagkakahiga ay umupo na ako.
And right in front of me, kinukurot ang puso ko when I saw my Mom crying.
I immediately approached her at pinaupo sa kama ko.
"What happened?" nag-aalala kong tanong
"Uuwi tayong apat bukas." she said habang nakatulala at tumutulo ang luha.
Inabot ko ang box ng tissue sa table malapit sa kama ko at pinunasan iyon.
"My, what happened? Bakit ka umiiyak?" tanong ko ulit
It took seconds bago siya magsalita,
"Naaksidente si Pat. . . She's in a coma."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Tita Patricia. My Mom's best friend. I know all the challenges they've been through many years ago. And so far, ngayon palang nagkaroon ng ganitong klaseng problema.
Siya rin ang mommy ng kaisa-isang taong gusto ko. And I know he's also hurting now. . . again.
Unti-unting bumagal ang heartbeat ko at hindi ako makahinga nang maayos.
Damn. I'm also hurting.
So, I guess my friends are right.
This isn't just a simple crush.
Paano nga ba akong na- in love sa isang taong hindi man lang napapansin ang presence ko?
Paano ako nahulog sa kanya?
kay Redix Gabriel— ang lalaking may nagyeyelong puso. Pero nagagawang tunawin ang akin.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016