Redix
Tawanan nang tawanan sila Mama sa labas at puro kwentuhan.
Ngayon lang kasi ulit sila nabuo. Dumating din sila Tito Ice at Tito Lance.
Ako naman, nandito lang sa sala. Sila Ricka naman nasa dining. Kasama siya.
Sa lahat ng tao dito, ako lang talaga ang tahimik at walang imik.
Nung wala pa siya, lagi kong sinasabi sa sarili ko na lulubusin ko talaga pag nagkita na kami.
Pero andito ako ngayon, walang masabi.
Kanina, nung nag-Hi ako sa kanya, she just smiled.
Hindi kaya wala na siyang nararamdaman sakin? Nagpa-heart transplant siya e.
Hindi kaya nandun sa dati niyang puso yung feelings niya sakin?
Nakakabaliw mag-isip.
Sobrang nag-iba siya ngayon. Sa mga simpleng sulyap ko sa kanya kanina, kita at ramdam ko na may nagbago.
Mula sa pananalita, sa pagkilos, basta marami. But for me, it's still her. Siya pa rin yung Beatrice na kilala ko noon.
"Uy bat nandito ka?" nakaismid na tumabi sakin si Jameson, "Nahihiya ka no?"
Di ako makakibo.
Narinig ko siyang medyo natawa dahil sa reaksyon ko, "Wag kang mahiya. Siya pa rin yun."
"You think?"
"Of course! May mga nabago lang sa kanya. Pero siya pa rin yun." aniya.
I smiled.
"Can I ask you something?" sabi niya at tumango naman ako.
"After six years na wala kayong communication, what're you feeling for her now?" he seriously asked.
"I still love her... I'll always do. I fell so damn hard and I don't think I could still get up. Well, I'm not planning to though." I said.
"Then what're you still doing here? Kausapin mo na!" aniya at tumawa.
"Nasan siya?" tanong ko. Wala na kasi akong naririnig na ingay sa dining kaya baka wala na sila dun.
This is it. I need to talk to her. Isasantabi ko na yung kaba ko.
"Nasa room niya." he smiled at tumayo na, "Wag mo na siyang sasaktan ulit. May tiwala ma ako sayo." aniya at tinapik ako sa likod bago lumabas.
Tumayo na ako at umakyat sa taas. Binilisan ko ang paglakad para di na ko maunahan ng kaba at kumatok sa pinto niya.
"Come in." walang pag-aalinlangan niyang sabi.
Dahan-dahan akong pumasok at nakita ko siyang nakatingin sa labas ng bintana.
"Nakakaabala ba ko?" tanong ko kaya bigla siyang napaharap sakin.
Mukhang di inasahan na ako yung kumatok.
"H-Hindi naman. Do you need something—"
"Kumusta ka na?" agad kong tanong.
I want to hug her so tight right now.
"I'm fine..." she slightly smiled, "Ikaw? How are you?" umupo siya sa couch.
Ako naman, nakatayo lang habang nasa bulsa ang mga kamay. Baka bigla ko nalang siyang mayakap pag di ko napigilan.
"Okay lang din naman." tumawa siya nang mapansin medyo nangangawit na ko.
God, her laugh.
"You may sit." aniya at sinenyas ang isa pang couch na malapit sa pintuan. Bale magkatapat kami ngayon.
"I'm so glad to see you again. I missed you so much." di ko napigilang sabihin sa kanya. "K-Kailan ka pa nakabalik?" pag-iiba ko ng usapan.
"Actually nung graduation pa ni Jameson. Nung graduation niyo." what?! Bakit hindi man lang sinabi ni Jameson sakin? I've been asking him!
"I didn't see you there." sabi ko.
"Ah yes. Ngayon nga lang ako nakabalik dito 'coz I need to check my house in Palawan that day. I'll be living there."
Nagulat ako, "Me too. I bought a house for my own in Palawan." nakangiti kong sabi.
Dahil graduate naman na ko, naisipan kong bumili ng bahay dun using the money na naipon ko. That's also where I'm planning to stay habang mina-manage yung kakapatayo naming restaurant doon.
"Wow. Really?" namamangha niyang sabi, "Saan ka dun?"
"Coron/Coron ako e." we both said in chorus.
Natawa kami parehas.
"So when are you planning to go and stay there?" tanong niya.
"I still don't know." I shrugged, "Gusto mo sabay na tayo?" nahihiya kong tanong sa kanya.
"Sure."
Yes!
Saglit kaming natahimik.
"B-Beatrice?"
Sumagi sa isip ko yung gusto kong itanong sa kanya.
"Hmm?"
I look at her straight in the eyes...
Sana, oo.
Sana, oo pa rin yung sagot mo.
"Do you...
still love me?"
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016