Beatrice
Kinakabahan na ko. The fork.
"Uy okay ka lang?" tanong ni Aica sakin.
Andito kami sa cafeteria. Hindi ko tuloy ma-enjoy yung food.
"Kinakabahan ka. Masyadong obvious." sabi naman ni Zoom.
Zoom Fernandez. Siya yung Class President ng klase.
And yes, kasama ko rin siya dito. Sabay kaming kumakain na tatlo.
"Bakit ka nga pala lumipat dito?" Zoom asked.
"Wala lang." tipid kong sagot.
"Huh? Lumipat ka kasi wala lang?" sabi naman ni Aica.
Nginitian ko nalabg sila pareho. Ayoko munang magkwento.
"Btw, wala bang mag-aayos dito kay Beatrice mamaya?" tanong ni Aica kay Zoom.
"Si Freezi nalang siguro. Mahilig naman mag-makeup yun." —Zoom
Ibinaba ni Aica ang kutsara na nakapasok sa bibig niya, "Are you kidding? Baka magmukang clown 'tong si Beatri—"
"Bakit kasi ako pa yung sinali niyo? Ang dami namang ibang magaganda sa room." tanong ko.
Wala talaga kong ganang kumain ngayon.
"Pero hindi sexy." dagdag ni Zoom, "Kailangan kasi, may balakang yung kasali. Dahil mga sexy na damit yung required na isuot kapag nasa stage na."
"E bakit kanina hindi naman sexy yung damit na pinasupt niyo sakin?" sabi ko.
"Ah. So feeling mo pala nakatungtong ka na sa stage kanina?" pangsosoplak niya.
Kita mo tong Zoom na to. Hagis kita sa Zoo eh.
"Harsh. Hahahaha! Pagpasensyahan mo na yang si Zoom, Beatrice. Ganyan talaga yan." eka ni Aica.
I rolled my eyes, "Sige bye na."
"Galit ka na niyan?" pang-iinis pa ni Zoom pagkatayong pagkatayo ko.
"Che. Magpapaayos ako." sabi ko, no choice e. Andito na rin naman 'to, edi sige.
"Yaaaay! Sige. Dapat mas maganda ka pa mamaya ha? Balik ka agad, mga 1:30 start nung program." —Aica
"Owkii."
"Wait, akin na number mo. Para maitext kita." dagdag niya.
Binigay ko nalang sa kanya agad para makaalis na ko.
* * *
"Hello Aica?" I answered the call.
[ Nasan ka na? Magsisimula na oh. ]
"I'm on my way." sabi ko at pinaandar na yung kotse.
Hindi ko alam kung anong klaseng ayos 'tong ginawa sakin sa parlor na yun. Bahala na.
Pagkarating ko sa parking lot ng university, wala ng katao tao.
Binilisan ko pa lalo yung paglalakad.
Pagkarating ko sa room, una kong nakita si Aica na parang di mapakali.
"Ayan na siya!" sigaw nung isang lalaki sa last row.
Uy ayos ah. Maayos na yung nga upuan.😂
"She's so..."
"Oh gosh."
"The fudge pare."
Naglakad si Aica papunta sakin, "Beatrice... Bakit ganyan ka?" aniya.
Sinasabi ko na nga ba ang pangit ng ayos sakin ng mga parlorista na yun.
Lumapit na rin sakin si Zoom. Naka-crossed arms siya.
Tinignan ko ulit yung mga kaklase ko, lahat sila talagang sakin lang nakatingin.
"Are you guys okay?" I asked.
Nagsigawan silang lahat.
"BAKIT KA GANYAN? BAKIT NAPAKAGANDA MO HA?!" sigaw ni Aica sabay tili.
Shetpak.
Talaga bang hobby na ng mga to yung sumigaw?
Shetpak ulit.
Maganda pala tong itsura ko na to? HAHAHAHAHAHAHA
"Oh tara na guys! Gora na sa gym daliiii!" panibagong sigaw mula sa napakalaking bunganga ni Aica. Hays. Pasensya na kayo ha.
Sabay-sabay kaming naglakad nang biglang may tumabi sakin sa gilid.
"You look really gorgeous." sabi niya.
"Uh, thanks Sandro." sabi ko nalang.
"How'd you know my name?" tanong niya.
"Nabanggit ni Aica kanina." sabi ko atsaka nginitian siya.
"Ahh. Mamaya pala kapag nagpakilala ka, sabihin mo yung section natin." aniya.
"Uh Sandro, ano pala pangalan ng section natin? Hehe." nahihiya kong tanong.
Hanep. Bakit nga ba di ko alam?
"Hahaha! Gabriel." aniya.
What?
Gabriel?
"Ha?" —ako
"It's 10-Gabriel. Yung section natin."
K.
.____.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016