Chapter 43: Graduation

555 25 2
                                    

Jameson

Sobrang bilis ng panahon. College graduate na ko!

"Hi Tita!" bati ni Ciana kay Mommy na kararating-rating lang sabay beso.

Magkakatabi ang parents naming dalawa pati na rin kami.

Naging kami ulit nung 4th year graduation.

Days after naming magkatabi sa simbahan noon, sinimulan ko na ulit siyang ligawan.

Masaya pala talaga pag seryoso kang nagmamahal at seryoso ka ring minamahal.

Kung alam ko lang na ganito ang feeling edi sana hindi na ko nagloko noon.

Bago kami magsimulang mag-march, hinalikan ko muna sa pisngi si Ciana.

Favorite part: Yung mamumula yung pisngi niya.

I laughed, "Why so cute?"

Pinalo niya ko nang mahina sa braso.

* * *

Redix

Nakita ko si Tita Bea kaya agad ko siyang sinundan.

Nandito na rin ba siya?

Napabuntong-hininga nalang ako nang makita kong silang tatlo lang nila Jameson at Tito James ang nandoon.

Sayang at hindi kami magkasamang ga-graduate.



It's been 6 years.

Pero wala akong balita sa kanya ni isa.

Gumawa ako ng fb account and I'm always checking on her pero di siya naga-upload o nagi-status man.

I'm missing her so damn much.

Halos araw-araw kong tinatanong si Jameson kung kumusta na ang Ate niya at halos araw-araw niya ring sagot ang 'okay lang.'

Pero kahit na ganun pa, kahit anim na taon na kaming walang communication, araw-araw pa ring nadadagdagan yung pagmamahal ko sa kanya.

Ngayon, alam ko na talaga kung anong tunay kong nararamdaman.

I've figured it all out 2 years ago.

Nagkaayos na rin kami ni Jameson noon at siya ang nagturo sakin ng lahat.

Mula sa mga pictures kong nakatago sa kwarto niya, yung paghanga niya sakin mula nung mga bata pa lang kami, pati yung dapat na pag-aaral niya sa US na inayawan niya.

Hindi man daw sabihin ni Beatrice, pero alam nilang tinanggihan niya yun dahil sakin. Dahil ayaw niya kong iwan.

And I realized that I'm so lucky to have her.

Kung tutuusin, pwede naman siyang hindi magpaalam na pupunta siya sa Thailand dahil sobra ko rin siyang nasaktan.

Pero nagpaalam pa rin siya sakin.

I hate comparing Yeshley and Beatrice pero kung iisipin ko, parehas silang may sakit.

But unlike Yeshley, hindi siya natakot na sabihin sakin yung totoo.

"Kasi kahit hindi sigurado si Ate kung mahal mo talaga siya, ayaw niya pa ring maramdaman mo ulit yung naiwan sa ere. Tulad nung iniwan ka ni Ate Yeshley. That's why. Kaya siya nagpaalam sayo."

Yan ang sabi sakin ni Jameson. Dahil sa mga nalaman ko,

I know fell harder. Harder than what I've thought.

Maghihintay ako Beatrice. I'll wait for you.

You've waited long enough for me, now let me return the favor.

Babawi ako sayo.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon