Redix
I can't believe I'm with her right now.
Nandito kaming dalawa ngayon sa isang lugar na ako lang ata ang nakakaalam.
Kung saan saan na kami nakapunta ni Beatrice.
Dito kami sumakay sa kotse ko. Yung kotse niya, binalik muna namin sa bahay nila.
It's already 4 am.
I must admit, sobrang saya.
Sobrang saya niyang kasama.
Hindi ko man alam kung bakit kami magkasama ngayon, hindi ko rin maitanggi na masaya talaga ko pag nakakasama ko siya.
Nakahiga kami ngayong dalawa dito sa harapan ng kotse ko.
"Thanks Beatrice. I really enjoyed your company—" natigil ako sa pagsasalita nang makita kong nakapikit na siya.
God, she's so beautiful.
Bakit ba ngayon ko lang napapansin lahat 'to?
Bakit hindi ko siya napansin noon?
Umangat ako nang konti atsaka humarap sa kanya.
"Of all people, hindi ko inasahang ikaw yung magpaparamdam ulit sakin nito."
Abnormal na kung abnormal, pero siguro mas ayos nang sabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko habang tulog.
"Iniwan ako ni Yesh sa hindi ko alam na dahilan. Sobra kong nasaktan. Sobra talaga. Hindi ko alam kung pano makakabangon dahil sobrang mahal na mahal ko na siya."
"At dahil umaasa kong babalik siya, sinarado ko yung puso ko. Dahil na rin sobra kong nasaktan sa ginawa niya sakin."
"Then you came along... Sa totoo lang hindi ko alam kung kailan nagsimula to, basta ang alam ko lang, gusto na kita."
"And there's nothing more I could say but thanks. I can feel my heart brand new. And sorry."
"Sorry dahil hindi kita kayang layuan tulad ng pakiusap mo sakin."
"Now I know. I... I love you."
* * *
Beatrice
"Now I know. I... I love you."
Akdjfgdsjskdjjdjshdhsb.
So,
Mahal nga talaga ko ni Redix?
Hindi ako nabingi dun sa sinabi niya nung tumawag siya sakin?
Lord naman, hindi ako prepared!
Pumikit lang naman po ako kasi gusto kong mag-thank you sayo dahil kasama ko si Redix ngayon. Probably the best 4 AM of my life.
Hindi ko inasahang mangyayari to ngayon. As in now.
Pano na to?
Didilat na ba ko?
"Sorry but I can't help it." biglang salita niya ulit kaya naglakas loob na kong dumilat.
Pero sa saktong segundo na dumilat ako,
Sakto rin na biglang dumampi yung labi niya sakin.
Shit.
Hindi ko na rin napigilan,
I kissed him back.
* * *
Hi guys! Sorry kung sobrang tagal bago ko mag-update ha :( pero sinisipag naman po ako ngayon hihi. Thank you sa mga nagbabasa ❤️
—simplyponchiie—
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016