Mark
Hindi ko na naman siya makikita today. Bugbog kasi kami sa practice e. Medyo lutang pa nga ako kasi tinamaan talaga 'ko ng kaba kagabi.
~flashback
Malas talaga. Basag yung Iphone ko tapos yung Xperia naman na napanalunan namin ni Trice kanina, nailaglag ko rin kaya basag. Pati yung isa kong cellphone na pinaka-importante sa lahat, sira. Mintes talaga.
Bumaba ako sa kusina at hiniram yung cellphone ni Manang. Naka- Samsung Duos siya.
"Manang, saksak ko muna 'tong dalawa kong sim card dito ha?" paalam ko sa kanya.
"Sige. Tumuloy ka na tuloy sa dining ha? At kakain na." paalala niya at tumango naman ako.
Bakit kaya hindi sumabay na umuwi sakin si Beatrice? Ang kulit talaga non. Nangangati tuloy akong i-text siya ngayon dahil nag-aalala 'ko.
Chineck ko kung may message ba dun sa Sim ng Iphone ko pero wala naman. The one I'm using as Makoy.
Chineck ko rin kung may message ba dun sa isa ko pang Sim card and yes, meron. Ito yung pinaka-importante sa lahat dahil ito yung ginagamit ko as. . . Batman.
Batgirl:
Kung ikaw man 'yon, thank you. Sana maisipan mo ng magpakilala. :)I froze nang mabasa kong may message siya. Si Beatrice. Kahit sa isa kong cellphone, Batgirl ang pangalan niya.
Teka, bakit siya nagth-thank you?
I know I told her na hindi na ako ulit magme-message sa kanya but I'll make my cheat day tonight.
Nagreply ako,
Makoy(Ako):
What do you mean?SENT.
I waited for her reply pero wala. So I decided to call her.
"Hi Beatrice." I said.
[H-Hello.]
"I just want to ask you about the. . ." napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko kung saan ko nai-send yung message ko kanina. Namali ako ng pindot! I sent her the message using SIM 1! And I'm using that SIM as Makoy. Geez! I'm so stupid. "Oh shit. Sorry, sorry. I'll hang up now. Good night."
Ano ba kasi yung pinagpapasalamatan niya? Nag-reply tuloy ako ng 'What do you mean?'.
Nakakainis na nakakakaba pa dahil nasend ko yung message na yun as Makoy at hindi bilang si Batman. Baka maghinala yun na ako nga yung nangungulit sa kanya sa text. Putek.
~end of flashback
Sana hindi siya maghinala. Magpapakilala rin naman ako sa kanya e. At about dun sa date kagabi, pinilit ko lang si Redix dun.
Gusto ko lang makasama si Beatrice. Simula kasi nung makabalik ako dito sa Pinas galing ibang bansa, hindi ko pa siya nakaka-bond. Humingi ako ng tulong sa kanya dahil alam ko namang hindi makakatanggi dun si Beatrice. And gladly, it worked.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016