Beatrice
Monday. It's now Monday, meaning first day of school. Setting up alarms and waking up early to take a bath and do the morning rituals. Ito na naman ang buhay ko mula ngayon. Hay. . . summer again please?
Bumaba na ako sa dining at nakita ko si Jameson na kumakain na. Hindi talaga marunong mag-aya.
"Where's Mom and Dad?" I asked
"Umalis na." he answered while busily eating burritos. How come na maganda ang katawan ng kapatid kong 'to despite him being voracious? Hindi pa rin naman siya nagji- gym. . .
Oh well, basketball players.
And remind me please? Bakit ko pa nga ba tinanong kung nasaan sila Mommy? They're always working. Having the least time for us, pero okay lang. Para sa amin din naman yun diba?
Jameson and I used the car which is black matte in color. Gorgeous. Siya ang driver.
See? Kulang nalang tawagin ko siyang 'kuya'.
He parked the car at nauna na akong bumaba. Sabi rin naman niya, may usapan daw sila ng varsity na magkita dun sa parking lot. But if I know, babae na naman ang tatagpuin niya.
Naglalakad ako sa hallway nang mag-beep ng phone ko. At alam ko na kaagad kung sino 'yon. I started reading it. . .
Batman:
Good morning gorgeous. :) Nice to know you're really not using makeup. What a big time turn on.
It's him again. Mula nung friday night, lagi na siyang nagte-text sakin. Pero hindi ako nagre-reply.
Sinabi niya sa 'kin na dito raw siya mag-aaral. So I'm really hoping to see and meet him.
But he better be contented to this for now. Buti nga di ko siya nilalagay sa blocked contacts ko e.
Pero kung magpapakilala man siya, handa akong mag-offer ng friendship. But not today. Not through texts and such. Baka mamaya member pala siya ng gang or what.
Malapit na ako sa room nang may dalawang kamay na kumapit sa magkabilang braso ko.
"Kumusta naman ang bakasyon sa US? Maraming gwapo no?" tanong ni Ate Fia—cheerleader dito sa school namin.
"Loyal ako Ate." natatawa kong sabi sa kanya
"Wag kang mag-alala. Wala pa namang inaaligidan si Redix, lagi namin siyang kasama nung bakasyon." seryosong sabi naman ni Ate Hera habang nakatanaw kay Kuya Zeus na nasa basketball court ata. They have a serious type of relationship.
Ang cute pa ng pangalan nila no? Zeus and Hera. Both one of the Greek gods and goddesses.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya then I asked them both, "Nasan si Ate Asha?"
"Absent. Nilalagnat eh." sagot nila pareho, so I guess bibisitahin ko nalang siya mamaya.
Nang malapit na ako sa room ay naghiwa-hiwalay na rin kami. Sa 2nd floor lang kasi ang classroom ko while they're both assigned sa section na nasa 3rd floor, this year.
10-Infinite.
Name ng section ko ngayong taon. Dinapuan na naman ako ng kaba na may halong excitement.
Classmate ko kaya siya this year? Sana. . .
I opened the door at kumalabog ang dibdib ko nang makitang may teacher na sa harap. Agad akong napatingin sa relo ko and geez, napatagal pala masyado yung pakikipagdaldalan ko kila Ate Hera at Fia.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016