Chapter 13: Red

735 28 1
                                    

Beatrice

Akala ko pa naman aayain talaga ako ni Redix na maka-date siya ngayon. Kaso umiral na naman yung pagiging assumera ko. Kainis.

Oh anong pa nga bang magagawa ko? Edi syempre makikipag-date kay Makoy. Nagsisisi tuloy ako kung bakit sinabi ko pa kay Redix na free ako sa mga date date na 'yan.

Nagsuot ako ng isang plain white dress at flat shoes. Hindi ako mahilig sa heels.

"Honey, can I come in?" tanong ni Mommy sabay katok sa pinto ng room ko, "Yes My." I responded.

Nagpo-polbo ako nang buksan niya ang punto atsaka pumasok. Napahinto lang ako sa ginagawa ko dahil lumapit sakin si Mommy sabay iling.

"Uh-uh. Change your outfit." utos niya.

I faced her, "Okay na 'to My. Acquaintance Party lang naman." sabi ko but obviously, she's not convinced.

"Wait here." aniya at lumabas nagmadaling lumabas ng room ko.

I checked my phone at may isang message galing kay Makoy.


Makoy:
See you in a bit. :)


Seryoso talaga, ano bang pumasok sa utak nilang magpinsan? Ang lalakas ng saltik.

Talagang pinanindigan na 'date' at hindi Acquaintance party ang magaganap.

Well, kung si Redix naman kasi ang makakasama ko, ico-consider ko talaga 'to as a date.

I don't want to be rude kaya nireplyan ko naman siya ng smiling face. What's with him? Crush niya ba 'ko? Haha.

Hindi nagtagal, bumalik na ulit si Mommy dito sa kwarto ko while holding a red dress. . .and heels. My ghad.

Pilit niyang pinasuot sakin 'yon atsaka ako ulit pinaharap sa salamin.

Naglabas siya ng pamplantsa ng buhok at kung anu-ano pa—including makeup.

"My, 'wag sobra-sobra." sabi ko sa kanya. Nilalagyan niya na kasi ako ng blush on.

"Mas okay na yung sobra kaysa kulang. Ikaw din. . .baka magsisi ka." hugot niya. My Mom's like a teenager. Ganyan siya.

Ang daming tinatagong hugot sa buhay.

Nilagyan niya rin ako ng lipstick na nagpalabas ng natural na kulay ng labi ko. And even let me borrow some of her gorgeous jewelry.

You see, hindi ko kayang kontrahin si Mommy. Bihira lang siya maging ganito.

Bihira lang siya magkaroon ng time na ayusan ako. Reason? Of course, always, business.

"You look gorgeous anak. Manang-mana ka sakin." nakangiting niyang sabi habang inaayos ang buhok ko, "So, what time ka susunduin ni Redix?" she asked.

I smiled bitterly, "Hindi si Redix ang susundo sakin My. How I wish." ani ko.

"Then who?" nagtataka niyang sabi.

"Mark. Mark Ramos. Pinsan ni Red."

"Oh yes. Nabanggit na siya ni Patricia sakin." she lifted my chin at tinitigan ako sa salamin, "Do you like him?"

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon