Chapter 14: Chuck Taylor

691 27 1
                                    

Beatrice

"Of course. Lahat naman ata bagay dyan kay Trice." nagpantig ang tenga ko nang marinig ko yung 'Trice'. It's Makoy.

Siya lang naman ang tumatawag sakin ng ganun ever since e.

Umupo na ulit sa tabi ko si Mark at nagtanong naman si Redix, "So how's everything going?"

Ang gwapo gwapo niya. Parehas sila ng damit ni Makoy pero mas dark yung kulay ng panloob niya.

"Everything's cool." ani Makoy at nagulat nalang ako nung umakbay siya sakin.

"Nakita mo ba si Jameson?" tanong ko kay Redix.

"Nasa building 3 siya." he simply answered.

Ano na naman kayang ginagawa nun doon?

"Uh, puntahan ko lang siya." excuse ko sa kanila at tumayo na. Naiilang ako. Ewan ko ba.

"Want me to accompany you?" they both said in chorus.

Bakit ba ang weirdo ng magpinsan na 'to? Well, kung si Makoy lang, sanay na 'ko. But Redix? Nakakapanibago.

"Hindi na." ngumiti ako sa kanila parehas.

"Mamaya ulit ah. Twofie." tango ni Makoy sakin at tinanguan ko nalang din siya.

Naglakad na ako papunta sa building 3 at nakasalubong ko pa si Ricka na kasama na si Yance ngayon.

"Uy, Ate Beatrice! Wag ka munang uuwi ah. Kakanta pa kami ni Yance mamaya." ngiting-ngiti niyang sabi sakin. Ang ganda ganda niya lalo ngayon.

"Sure." ani ko naman at tinanguan na siya pati si Yance bago magpatuloy sa paglalakad.

Naramdaman ko na naman ang pagsakit ng paa ko pagkatapak ko palang sa mabatong parte ng school namin. Geez.

Paano kaya natitiis ni Ciana ang maglakad dito araw-araw habang nakasuot ng takong? Uh, classmate ko siya last year. And, she's one of my brother's ex-girlfriends.

Huhubarin ko na sana yung suot kong takong nang may kumalabit sakin. I faced that someone and confusion climbed onto me.

He's wearing a Batman-like outfit. As in mukha talaga siyang si Batman dahil pati maskara walang pagkakaiba.

Kailan pa nauso 'yan sa isang Acquaintance Party? Paki-explain nga po. Hindi ko rin ma-explain eh.

"Wear this." aniya sabay abot sakin ng isang box bago umalis.

I was stunned there for a moment nang maisipan kong buksan yung box. At napangiti nalang ako nang makakita ng low cut Chuck Taylor. Now this is what a comfy footwear is.

"Thanks Batman! You rock!" I shouted. Sana narinig niya.

Is he the one texting me? Siya kaya yung laging nagse-send sakin ng good night and good morning messages?

Kaya kahit hindi ako sigurado, inilabas ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-type ng text para sa kanya,


Beatrice(Ako):
Kung ikaw man 'yon, thank you. Sana maisipan mo ng magpakilala. :)


Coz I'm ready to face you... Isinuot ko na yung sapatos at inilagay naman sa box yung heels ni Mommy. Tinakbo ko na rin yung building three at nadatnan ko roon si Jameson habang kausap ang ex niya.

Lalapit sana ako sa kanila pero mas pinili ko nalang na magtago nang marinig ko ang sinabi ni Ciana,

"You're a player. You've been dating random girls. Ano bang gusto mong marinig mula sakin ha? Na nagseselos ako? Puwes, oo Jameson! Selos na selos ako!"

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon