Beatrice
Tinago ko yung keychain na may 15 BATMAN. . .
I still can't believe it. Paano naman kaya ako nagustuhan nung chinitong yun?
Eh kung tutuusin ang dami ng cheerleaders na nakapalibot sa kanya araw-araw.
Tahimik akong nakaupo sa proper seat ko at katabi ko si Ricka na nakadukdok sa armchair ng upuan ng Kuya niya nang marahas na may nagbukas ng pintuan ng room.
*blag!*
Agad na napaangat ang ulo ng katabi ko at pati iba naming kaklase napatigil sa ginagawa nila.
Pumasok si Makoy at nagtaka kaagad ako nang makitang may pasa siya sa gilid ng labi.
Kelan pa siya natutong makipag-away? —Well, halata naman kasing nakipagbasag-ulo siya dahil sa itsura niya ngayon.
Papalapit siya sa direksyon namin ni Ricka kaya umayos ako ng upo. Nakakatakot ang aura niya ngayon. Shades of black surrounding him. . .
Ugh. Imaginations.
"What the hell happened to you?" bungad ni Ricka kay Makoy pagkalapit na pagkalapit palang samin, "And this isn't your room Kuya. Naliligaw ka ba?" she added.
"Don't mind this." Mark answered, "Tawag ka ng Kuya mo. Uuwi na raw kayo."
"Ha? Wala na bang klase mamayang hapon?" tanong ulit ni Ricka.
Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang nakaiwas ang tingin at nakatanaw sa bintana ng room. Inaantok ako.
"Wala. Tara na." ani Mark
Kinalabit ako ni Ricka kaya nilingon ko siya, "Uwi na 'ko Ate. Uwi ka na rin, wala naman na palang klase." aniya
"Mamaya na 'ko uuwi." sabi ko sa kanya
"Sige Ate. Una na 'ko, chat tayo mamaya. Online ka." aniya at tumayo na.
Tinignan ko si Makoy at tinanguan niya naman ako. Buti hindi nandedma.
I smiled at him.
Pagkalabas nilang dalawa sa room, ako naman ang dumukdok sa armchair ko.
11:25 palang naman kaya mamayang 12:00 na 'ko uuwi. Dadaanan ko tuloy sa gym si Jameson at may itatanong ako.
Sa ganung posisyon, I entered the dreamland.
And wtf. Pagkagising ko, ako nalang ang tao nasa room.
I immediately fixed my bag at isinukbit 'yon sa likod ko. Feeling ko may multong nakatingin sa 'kin e. Kainis.
Halos mapatalon pa 'ko sa gulat when my phone beeped kaya binilisan ko ang paglalakad palabas ng room habang binabasa ang message,
Batman:
You're not alone. 'Wag kang ma-paranoid. Hahaha! And another turn on. . . Babaeng maganda kahit kagigising lang. Good afternoon Miss Beautiful. :)
Tumayo ang balahibo ko.
Batman, I know he's here right now.
Nawala ang kaba na nararamdaman ko and I started walking slowly habang iniikot ang mata sa paligid.
Wala na nga talagang estudyante. 1:00 pm na kasi.
Namataan ko ang mga basketball players sa di-kalayuan kaya tumakbo ako papalapit sa kanila.
Magkakasama sila Jameson, Makoy, Yance, yung chinitong lalaki, at yung iba pang players na hindi ko kilala.
"Tara kumain sa labas. Baka makakita pa ko ng chicks. Pampatanggal ng pagod." dinig kong sabi ng womanizer kong kapatid.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Novela JuvenilLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016