Jameson
"Bakit naman kasi hinayaan niyo pang sumali si Beatrice e wala naman yung partner niya? Wala naman si Redix!" galit na galit kong sigaw sa ibang kaklase ni Ate pati na rin yung mga nag-makeup sa kanya sinigaw-sigawan ko na.
Nakakabwisit silang lahat. Mga walang kwenta!
Pumasok na ako sa kwarto kung saan nagpapahinga si Ate.
Nandito rin si Mommy sa loob.
Kanina pa siya walang kibo.
Umupo rin ako sa couch habang tinitignan si Ate Beatrice.
Sobrang putla pa rin niya hanggang ngayon.
Biglang pumasok ang doktor kaya napatayo kami parehas ni Mommy.
Tatanungin ko palang sana kung anong lagay ni Ate pero nagsalita na si Mommy, "Jameson, lumabas ka muna."
"Pero Mommy—"
"Sundin mo nalang ako." aniya.
Kahit nagtataka, lumabas na rin ako. Pero hindi ko gaanong sinarado yung pinto.
Kailangan kong malaman kung ano bang nangyari kay Ate.
Hindi naman pwedeng basta-basta siyang nag-collapse sa stage kanina tapos wala lang.
"Doc, anong nangyari sa tests niyo sa anak ko?" dinig kong tanong ni Mommy.
Halatang halatang kinakabahan siya. Kahit kanina pa.
"Mrs. Scott, hanggang ngayon pala ay may sakit pa rin siya. Bakit nga ba hindi na kayo nagpakonsulta dito mula noon?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng doktor.
Si Ate?
May sakit noon pa?
Bakit hindi ko 'to alam?!
"Dahil mula noon wala nang nangyayari sa kanya. Ngayon lang ulit siya nag-collapse." sabi ni Mommy at umiiyak na.
"Pero dapat nagpapa-consult pa rin kayo Mrs. Scott. Your daughter is now under Stage D. Sa tingin ko nag-collapse siya kundi dahil sa sobrang saya o kaya naman sa sobrang kaba o lungkot. Yung ang pinaka dahilan ng pag-collapse niya kaya mas manghihina siya ngayon."
Nag-init ang mga mata ko.
Di na ko makatiis, pumasok ako sa kwarto ni Ate at hinarap yung doctor.
"Anong sakit niya?" tanong ko habang pinipilit na wag umiyak sa harapan nila.
Tumingin muna yung doctor kay Mommy na para bang humihingi ng sign kung sasabihin niya ba sakin.
"ANONG SAKIT NIYA?!" pasigaw ko ng tanong dahil sa naghalo-halong nararamdaman.
"Heart failure, iho." aniya.
Dahil dun di ko na napigilang umiyak.
I faced Mommy, "Bakit tinago mo 'to? Obviously, hindi rin alam ni Ate na may sakit siya. Bakit My? Bakit tinago mo pa edi sana naalagaan ni Ate yung sarili niya. Sana naalagaan ko rin siya!"
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016