Redix
Dahil bored ako sa bahay, sumama nalang muna ako kila Yance sa old bar nila Tito Ice.
Naalala ko bigla si Yeshley.
I know she's happy kung nasaan man siya ngayon.
She died a year after Beatrice left.
Inabutan ako ni Yance ng shot ng Jack Daniels.
Kanina pa ko umiinom kaya tinanggihan ko.
"Yes you! Ikaw pogi!" sigaw ng bakla sa stage kaya naagaw niya ang atensyon ko.
Oh bakit?
Nakaturo siya sakin.
Tinapik ni Yance ang kamay kong nakataas.
"Okay guys! May volunteer na tayo!" sigaw nung bakla.
Baka akala nag-volunteer ako kasi nakataas kamay ko kanina.
May mga lumapit sa akin at tinulak tulak ako sa stage.
Mga di ko naman kilala.
Ano bang gagawin ko?
Nakita kong dumating na sila Jameson kasama yung girlfriend niya.
Pati si Ricka andito na rin.
Nagsigawan ang mga tao, "Oh diba? Ang gwapo ng singer natin tonight!" sabi nung baklang katabi ko.
Napakamot ako sa ulo.
"Hindi po ako marunong kumanta." dahilan ko at bababa na sana sa stage.
Kaso sumigaw pa si Jameson,
"SINGER PO YAN!"
Nagsigawan ulit ang mga tao kaya nawalan ako ng takas.
Gago talaga to.
Inabot na sakin nung bakla yung mike, "Anong kakantahin mo?" aniya.
"MAYBE THIS TIME DAW!" sigaw ulit ni Jameson.
Sasapakin kita mamaya kala mo.
"Oh maybe this time daw! Palakpakan naman natin si Papa pogi!" lalong lumakas ang ingay sa loob ng bar.
Nagsimula nang tumugtog.
Napasubo pa tuloy ako, bwiset talaga ni Jameson.
Tawa sila ng tawa dun sa table namin. Mga siraulo.
"Two old friends meet again,
Wearing older faces,
and talk about the places they've been..."Pumikit ako at inisip siya.
Hindi ko alam kung pano magpapasalamat sa Diyos dahil hindi niya hinayaang mawala si Beatrice sa buhay ko.
"Two old sweethearts who fell apart, somewhere long ago,
How are they to know,
Someday they'd meet again
and have a need for more
Than reminiscin'..."Sana magkita na tayo Beatrice. Sabik na sabik na kong makita ulit yung mga ngiti mo.
"Maybe this time
It'll be loving they'll find
Maybe now they can be
more than just friends..."Dinilat ko na ulit ang mga mata ko.
Halos lahat ng tao nags-slow dance na sa gitna. Pati sila Jameson at Yance.
Palinga-linga lang ako sa paligid nang mamataan ko siya.
Para kong nabuhusan ng maraming tubig.
Kinusot ko ang mata ko para masigurado kung siya ba yun.
"She's back in his life
And it feels so right
Maybe this time,
love won't end..."Di ko na maalis ang tingin ko sa kanya dahil baka bigla na naman siyang mawala.
Gusto ko nang umiyak sa saya.
Patapos na ang kanta nang ngumiti siya sakin atsaka naglakad palabas.
Shit!
Andito na siya!
Tumakbo ako pababa ng stage at lumabas ng bar.
Pero di ko na siya mahanap.
Lasing na ba ko?
"Bayaw bat bigla kang tumakbo?" sinundan ako ni Jameson dito sa labas.
"Let's go home." sabi ko sa kanya at nauna nang sumakay sa kotseng dala namin.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016