Chapter 18: Kami na!

740 29 1
                                    

Ricka

"Nice shoes." puna ko sa suot na sapatos ni Ate Beatrice. She's copying my notes dahil natulog lang siya buong klase namin kanina.

"Pinahiram lang 'yan." natatawa niyang sabi. I badly want to smile.

So my Kuya's been bothered last night because of this? What's with him?

"Sino naman nagpahiram?" painosente kong tanong habang nakataas ang kilay.

Ang sarap pakinggan ng kasinungalingan kapag alam mo na ang katotohanan.

Pero mas masarap pala yung feeling na alam mo yung katotohanan, tinatanong mo pa rin yung walang kaalam-alam. Uh, in a good way. Clueless kumbaga.

"I'm considering na si Batman, pero hindi pa 'ko sure." sabi niya at tumango-tango nalang ako.

Sinong bang Batman yun? Kelan pa naging Batman si Kuya?

Atsaka si Kuya Cian kaya yung nakamaskara kahapon na nag-abot sa kanya nung box ng sapatos ko.

My phone beeped kaya sinilip ko kung sino yung nag-message.


Kuya:
I'm not able to give you back your converse. Nasira na. Bibilan nalang kita ng bago pagkatapos ng game bukas.


Nagsinungaling pa 'tong Kuya ko. Sumbong ko siya kay Mommy e.

Huehue. Syempre joke lang. Walang katapusang gantihan ang magaganap kung gagawin ko yun.

Hindi ko na siya nireplyan. I should talk to him. Pes to pes.

At kung anuman yung tumatakbo sa isip ko ngayon, sana tama ako. Sana tama 'tong kutob ko.

Bakit nga ba kasi ayaw niya pang malaman ni Ate Beatrice na siya yung nagpahiram ng sapatos? Kasi kung ako rin si Ate, hindi ako makakatulog kakaisip. Seryoso.

"I'll go na muna Ate B." paalam ko sa kanya at hindi ko na rin napigilang ngumiti dahil nakatitig na naman siya sa suot niyang sapatos, "And about that Chuck Taylor, sa tingin ko hindi si Batman ang nagpadala niyan."

I stormed out of the room bago pa man siya makapagtanong. Mahirap na, baka ma-floor wax ako. Gets niyo ba? Hahaha!

Imbis na sa cafeteria ako dumiretso, mas pinili kong sa gym nalang. Break din nila Kuya ngayon at sa tingin ko, kailangan ko na siyang kausapin—or inisin.

Makakabuti rin naman yun sa kanya at sa basketball team.

Bakit?

Kasi kapag inis o asar siya, mas nag-iinit siya sa loob ng court. Mabangis yun eh.

Sana nga namana ko nalang yung kabangisan niya para astig din ako. Huehue.

"Hi Kuya!" masigla kong bungad sa kanya atsaka siya tinabihan. Sayang. Wala si Yance dito. Siguro kumakain na 'yun sa cafeteria.

"What do you need?" tanong niya habang pinapanood yung iba na nakapasok pa rin sa loob ng court.

"Ah nothing. Just want to ask you kung kailan ka pa naging kind ulit sa isang babae." I said habang nagngingiting aso.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon