Jameson
Kumuha ako ng mga damit ni Ate sa bahay at pinauwi ko muna si Mommy para magpahinga.
Si Dad naman, ewan ko kung nasaan na. Di na halos umuuwi sa bahay.
Pumasok na ako ulit sa room ni Ate. Binilan ko siya ng pagkain.
Chumechempo pa ko kung paano sasabihin sa kanya lahat 'to.
"Kumain ka na oh." inabot ko sa kanya yung isang plato na punong-puno ng pagkain.
Umupo siya atsaka inabot yun.
"Ano ba Jameson. Bat puro gulay to? Repolyo, carrots, broccoli. Ano ba to?" nakasimangot niyang tanong.
"Basta. Kainin mo nalang." sabi ko sa kanya.
This is only way I know para matulungan siya. Naaawa ako sa Ate ko.
Though alam kong pwede pa siyang magpa-heart transplant, di ko pa rin maiwasang isipin na anytime pwede siyang mawala samin.
"Aray." biglang daing ni Ate kaya napabalikwas ako.
"Bakit? Anong nangyari sayo?" kinakabahan kong tanong.
Hinihilot niya yung dibdib nga, "Ayoko kumain." aniya at parang hirap na hirap huminga.
Nasaksaktan ako na nakikita siyang ganito.
"Kahit konti lang. Ano bang gusto mo? Soup? Bibilan kita sandali." umakma na akong lalabas pero hinawakan niya ko sa braso.
"Hindi ba pupunta si Redix dito?" tanong niya.
Ibig sabihin hindi talaga nagpunta si Redix dito? Pero nakita ko siya ka kanina dito sa ospital ah.
"H-Hindi ko alam."
"Jameson may problema ba?" nag-aalala niyang tanong.
Naramdaman ko na namang nag-init ang mga mata ko.
T*ngina nasasaktan talaga ko.
"Magpahinga ka muna. Bibilan kita ng soup." sabi ko sa kanya at lumabas na sa kwartong yon.
Di na naman napigilan ng mga luha ko na lumabas. Pinunasan ko agad yon.
Pumunta ako sa canteen.
At napakunot ang noo ko nang makita ko na naman si Redix na nakaupo mag-isa sa isang gilid.
Di ko na natiis at nilapitan ko na siya. Napatingin din siya sakin.
Kita ko ang pasa niya sa gilid ng labi. Dahil siguro sa pagsuntok ko kanina.
"Bakit ka ba talaga nandito?" tanong ko sa kanya.
"Ano ring ginagawa mo dito?" tanong niya pabalik, "Susuntukin mo na naman ba ko? Inaano ba kita Scott?" aniya at tumayo na.
Mula ngayon Redix nalang ang tawag ko sa kanya. Hindi siya dapat kinu-Kuya.
"Wag mo na kong tatawagin sa apelyido. Aalis na ko sa team." sabi ko sa kanya.
"Ano bang problema mo ha? Bakit pati yung team nasali na?" maangas niyang tanong ulit.
Hayop na to. Kaninang umaga lang kung umasta siya kay Ate akala mo sila na. Pero ngayon di man lang itanong kung nasan si Ate o kaya magpadala man lang ng sorry dahil sa di niya pagsipot sa program.
"Ako ang naunang nagtanong niyan. Kaya ikaw ang maunang sumagot." sabi ko sa kanya.
"Yeshley's back at naka-confine siya dito sa ospital ngayon." nagulat ako sa isinagot niya pero di ko pinahalata.
"Kaya naman pala di ka naka-attend kanina." I smirked, "So pinipili mo na si Yeshley kaysa kay Ate?" tanong ko.
"Wala akong pinipili Jameson. Nandito ko para kay Yeshley bilang kaibigan." aniya.
"Wag mo nga akong gawing tanga! Ang kapal ng mukha mong magbigay ng motibo sa kapatid ko tapos kay Yeshley ka pa rin naman pala babagsak!" sigaw ko.
Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid.
"Obvious naman na gusto mo ang kapatid ko Redix. Dahil kung hindi, hindi siya uumagahin ng uwi sa bahay dahil lang pinasama mo siya sayo buong magdamag. Kaya mamili ka, si Ate o si Yeshley?" tuloy tuloy kong sambit.
No answer.
Mukhang nagkamali ako.
Dahil kung mahal niya talaga si Ate, hindi na siya magdadalawang isip pa.
Tinalikuran ko na siya at binili yung dapat kong bilin nang siya naman ang lumapit sakin.
"Di mo pa sinasagot yung tanong ko. Anong ginagawa mo dito?" aniya.
"Gusto mo talagang malaman? Sumunod ka." sabi ko at naglakad na ulit pabalik sa kwarto ni Ate.
Sinilip ko muna kung tulog na ba ang kapatid ko bago buksan ng todo ang pintuan. Tulog na nga.
"Sige, tignan mo na." utos ko sa kanya at naglakad naman siya palapit sa pinto.
"Nung hindi mo siya sinipot sa program, nag-collapse siya. Sabi ng doctor, pwedeng sa saya, lungkot, o sobrang kaba." I smirked, "Alam naman natin pareho na kung nandun ka, di siya kakabahan diba?"
Lumayo na siya sa pinto kaya isinara ko na.
He faced me, "Nag-collapse siya? Yun ba ang sinisisi mo sakin? E nag-collapse lang naman pala! Iba ang kondisyon ni Yeshley, Jameson." aniya sakin.
Pinigilan ko ang sarili kong suntukin ulit siya.
Tumalikod na rin naman siya bago pa mangyari yun pero nagsalita muna ako bago siya makaalis nang tuluyan,
"LANG? Dahil sa pag-collapse niya, mas lalo siyang manghihina ngayon!" tumulo ang luha ko, "HEART FAILURE LANG NAMAN YUNG SAKIT NIYA REDIX! LAST STAGE!" nanginginig kong sambit.
Tumagilid ang ulo niya at kita ko ang pagbagsak ng kanyang panga.
"Never ever come near her. Makakasama ka lang lalo." sabi ko at nagpunas ng luha bago pumasok sa kwarto ni Ate.
* * *
Sinipag na naman po ako hahahahaha ita-try ko nang tapusin to bago magpasukan. Ipu-push ko na. Sana kayanin :D
—simplyponchiie—
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016