Chapter 26: Cooperate

742 25 1
                                    

Beatrice

Nakailang ikot na ko sa kama ko pero di pa rin ako makatulog. Buset na yan.

Paulit-ulit nagfa-flashback sa utak ko yung scene namin sa kusina kanina.

Ang alam ko, sa mga libro o palabas, cliché na yung ganun. Pero iba pala talaga kapag sayo na mismo nangyari.

Kakaiba yung pakiramdam.

Bumangon na muna ako para magtimpla ng gatas sa kusina.

Hindi ako mahilig dun pero may natatandaan akong sinabi ni Mommy na nakakapagpaantok daw yung gatas.

Wala ng maingay sa labas. Panigurado nasa guest room na yung mga yun. Lahat bagsak.

Pero ayos lang din naman kila Mommy kasi alam naman nilang celebration yung naganap.

Napatingin ako sa wall clock, ala una na pala ng madaling-araw.

The heck?

Ilang oras din pala kong nakahilata sa kama ko habang dilat.

Oh well, sino nga ba naman kasing makakatulog agad kapag naudlot yung isang bagay na matagal mo ng gustong gawin?

Syempre, ako na naman.

Na-feel kong nag-vibrate yung phone ko sa bulsa ko, someone texted me.

Makoy:

I miss you already. Sana hindi ka magbago, best friend. :)

Beatrice(Ako):

Take care of yourself Mark.

Kinuha ko yung earphones na nakasabit malapit sa ref. Bakit nga ba andito 'to? Hay nako, Jameson Scott.

Sinaksak ko sa phone ko yun atsaka nag-play ng music. Hope it'll change my unexplainable mood.

[ Tell meSide A ]

"There are nights, when I can't help but cry.
And I wonder why you have to leave me.
Why? Did it have to end so soon?
When you said that you would never leave me?"

Inabot ko yung lalagyanan ng gatas sa itaas ng cabinet.

Buti pa 'to ang bilis kong makuha. Samantala yung puso niya, parang moon. Pwede kong tignan anytime, pero kahit kailan, hindi ko mahahawakan at hindi pwedeng magiging akin.

Ugh.

Hashtag DamiKongAlam.

"Tell me, where did I go wrong—"

"Ah!" napasigaw ako nang may humaltak sa akin dahilan para mapaupo at matanggal yung earphones na nakasaksak sa tenga ko.

Realizing I'm not sitting on a chair, naestatwa ako.

He started brushing my hair and caressing my cheeks.

"W-What are you doing?"

"Oo nga. Ang ganda mo." aniya.

Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko, "Redix, lasing ka na."

He laughed, "Why am I feeling this again?" diretso niya pa ring tanong kahit halatang lasing na nga.

Sinubukan kong tumayo pero hinawakan niya ko gamit ang isa pang kamay habang yung isa nasa pisngi't buhok ko.

Malalim niya akong tinignan sa mata sabay sabing, "Is it true?"

"Ha?" yan nalang ang nasabi ko.




"Is it true that you like me?"

Oh.

"You're drunk. May tama ka na." pagliko ko sa usapan.

"Answer me."

Okay, if that's what you want.




"Ano? Gusto mo ba ko?" tanong niya ulit habang di inaalis yung tingin sakin.

"Yes, I like you. . . And it hurts to know you won't feel the same. Kaya kung pwede lang, tulungan mo naman ako. Help me move on. Since hindi naman ikaw yung nahulog." I faked a smile, "Let's be like strangers tulad ng dati. That way, you can really help me. Please cooperate."

* * *

Ricka

Nakatambay ako sa labas ng bahay namin. Hinihintay ko kasi si Kuya, it's already late at baka kung ano ng nangyari dun.

Hay nako.

Pinagdikit ko ang noo't tuhod ko habang nakaupo. Badtrip. Umepekto yung mga nainom ko kanina.

"Ricka."

"Wtf." bulong ko, "May tama na nga ata ako. Naririnig ko boses ni Yance."

"Huy."

"Putek naman." bulong ko ulit.

Nakakabwisit na ah. Puro nalang Yance.

"Huy Ricka."

I lifted my face,

Wtf ulit. WTF.

"What are you doing here?!" pasigaw kong tanong at agad na napatayo.

Bakit parang wala naman akong narinig na may sasakyang huminto dito?

Footsteps, wala rin. E bat panong napunta 'to dito?

"Ricka, sorry about what happened—"

"Don't be." pagputol ko sa sinasabi niya.

"I need to. Hindi tama yung ginawa ko." aniya.

"Pwede ka ng umalis." sabi ko.

"Pinapatawad mo na ba ko o talagang pinapaalis lang?" tanong niya.

Di ako nagsalita.

"Sorry ulit." aniya at tumalikod na.

Pero bago pa man siya makasakay ng kotse, nagsalita muna ako,

"You're forgiven." pinilit kong ngumiti, "Ayaw ko namang hindi ka patawarin bago kita layuan."

"What? Anong layuan?" tanong niya ulit.

"Maging strangers nalang tayo."

"Bakit pa? I thought we're friends?" aniya.

"Yes, we used to be friends. Until you showed me that a friend must step backward when a girlfriend comes forward." tumalikod na ko, "Madali lang naman sayo 'to di ba? Magaling ka naman maki-cooperate."

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon