Beatrice
"R-Redix." I still managed to utter his name kahit sobrang higpit na ng yakap niya sakin.
Is he Batman?
My question was answered when he pushed me away.
I can feel the tension kahit hindi ako nakaharap sa kanya—I chose not to.
He won't push me away kung siya si Batman. Because a man like Batman, is the man. Get it?
I mean, he won't push me with full force like what Redix did.
Not to be boastful, but I can feel that he really admires me.
"I-I'm sorry. I thought you were somebody." he said then left the dance floor—including me, hanging.
Kumalabog ang dibdib ko.
He hugged me. But, fuck the expectations. Akala ko talaga siya na si Batman.
Namataan ko si Ricka na papalapit na sakin,
"I saw the scene." aniya
I managed an awkward smile,
"Uwi na tayo," pag-aaya ko, "It's getting too late. May klase pa bukas." pag-iiba ko ng usapan.
"Nine-thirty palang Ate Beatrice. I'm still enjoying my first here." she protested. But at least didn't push the first topic anymore.
"Okay. Uuwi na kami ni Jameson. Bibisitahin ko nalang si Tita sa ibang araw." I said then exited the place.
Nang makarating ako sa table kung saan namin iniwan yung dalawa kanina—na ngayon ay punong-puno na ng babae, obviously because of my womanizer brother, kumalabog na naman ang dibdib ko.
Nakatulala siya sa sahig. I wonder kung nakilala niya ako alam niya bang ako ang nayakap niya kanina.
Kasi ako, kahit hindi ko pa siya tignan, alam ko na agad kung siya 'yon.
"Uwi na tayo." anyaya ko sa kapatid kong may katabing babae sa kaliwa't kanan niya.
Dahil sa expression ng mukha ko ngayon, alam kong nabasa na kaagad niya na may dahilan kung bakit nag-aaya na akong umuwi ngayon.
So he stood up at tinabig na yung mga babaeng katabi niya, "Tara." Badass.
"Give me a minute. Mauna ka na sa kotse." sabi ko and he did. Good.
Umalis na rin yung mga babaeng kalaro ng kapatid ko kanina so it's just the two of us.
I'm standing beside him while he's still dumbfounded.
"Hey." me calling him.
Tumingin siya sakin na parang ngayon palang nakabalik sa sarili.
"Why?" he asked expressionless.
Nakita kong may mali sa mga mata niya. Hurt. Pain.
Kung natatanaw ko nga lang ang puso niya, masasabi ko rin ngayon that he's heartsick. Well, nararamdaman ko naman kahit hindi ko pa makita.
I wish he could also see my soul through looking into my eyes. Because if he's hurting now,
I am too.
Ang hirap kayang tanggapin ng katotohanan na walang ibang pwedeng pumasok sa puso niya kundi si Yeshley lang.
Ang hirap tanggapin na hanggang ngayon, si Yeshley pa rin.
At ang hirap ipasok sa utak ko na imposibleng magkaroon ng 'kami' dahil alam ko namang si Yeshley pa rin hanggang huli.
Ngayon, siguro naman masasabi ko na na heartsick din ako diba?
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016