Redix
Nagsisidatingan na yung mga tao. Pati yung kalaban namin andito na. Nagbibihis ako ngayon dahil kararating ko lang din.
Natagalan nga ako sa bahay kasi yung kapatid ko nagmumukmok sa kwarto niya. Pilit ko pang pinabuksan yung pinto at ayaw kumain. Ayaw din naman sabihin kung anong problema. Tss. Parang kahapon nga lang kung anu-ano pang sinasabi niya sakin. Di tuloy ako nakatulog.
"GP! You all know what to do. Nagtitiwala ako sa kakayahan niyong lahat, so don't fail me." biglang salita ni Coach Alfonso.
Ganito samin, walang kung anu-anong seremonyas. Tuwing magkakaroon ng laro, hindi na kailagan ng plano. Basta siguraduhin mo lang na mage-enjoy ka during the game. That's the only rule.
"Yes Coach!" sigaw naming lahat at tinapik niya ako sa balikat bago lumabas.
Nagpapalit ako ng damit nang magsalita si Phillip. Phillip Dimaawat. Gwapong babaero sa team. Di maawat sa pambababae.
"Yance, pare! May bagong chicks." buong sigla niyang sabi kay Flores na hindi mo maipinta ang mukha. Bangag. Baka break na kaagad sila nung Christina. Babaero rin kasi 'to e. Ewan ko nga kung bakit nagustuhan siya ng kapatid ko.
"Gago! Kapatid ni Scott 'yon." sabat naman ni Hesus. Hesus Jordanate. Religious siya at sinasamba nung mga freshmen ngayon. Gwapo raw. Pwe.
Pero teka, si Beatrice?
"Ah ganun ba." lumapit si Phillip kay Scott, "Jameson, lakad mo naman ako sa kapatid mo." ngiting-ngiting sabi nito.
"T*ngna mo!" sigaw ni Scott sa kanya at saka binatukan. "May ibang gusto 'yon." dagdag niya pa.
Napakamot nalang ng ulo si Phillip, "Sayang naman. Bitter yung Kuya. Hindi tuloy ako makalusot." aniya dahilan para mabatukan ni Jameson. Gagong 'to. Daming kasing alam e.
"Napaka-hot nga ng kapatid mo Scott!" sigaw naman ni Denniel na kakapasok palang, "Sarap tirahin—"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, "Magbihis na nga lang kayo!"
Dahil dun, tumikom silang lahat. Tinanguan naman ako ni Jameson na naiinis na rin sa inaasta ng mga gago naming teammates.
Kung hindi ko pa ako sumigaw baka nanghiram na ng mukha sa aso si Denniel. Wala pa naman sa mood si Scott. Nung pumasok nga kanina 'yan may dala-dala pang bouquet ng bulaklak e. Baka tinaboy na naman ni Ciana.
Nang marinig namin na may nagsasalita na sa mic, atsaka palang kami isa-isang luminya. Hinintay lang namin na tawagin yung pangalan ng team,
". . . GOLDEN PHOENIX!"
Sana makahanap ako ng motivation sa loob ng court.
-
Beatrice
". . . GOLDEN PHOENIX!"
Nagsisigawan ang mga tao. As in sobrang lakas. Makabasag eardrums.
"Number fourteen. Dimaawat, Phillip!" matapos magsalita ng announcer, lumabas sa gilid ng gym ang isang maputing lalaki. Siya yung chinitong pinagkamalan ko noon na si Batman dahil sa keychain.
"Number eight. Jordanate, Hesus!" lalong lumakas ang hiyawan sa paligid ng lumabas siya. Yung lalaking nagpaluto ng carbonara sakin. Hahaha!
"Number eleven. Chen, Denniel!" lumabas ang isang lalaking maputi rin. Gwapo siya tsaka matangkad. Pero syempre mas lamang pa rin si Redix. Hehe.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016