Chapter 32: Heels

696 27 3
                                    

Beatrice

Anong ginawa kong masama para paglapitin na naman ang kanto naming dalawa?

Syet talaga.

Naglakad na ko agad papunta sa room kung nasan paniguradong nag-aabang na sila Zoom tas Aica.

What the hell is happening?

At anong nag-udyok sa kanyang sumali sa ganitong program?

Badtrip naman oh.

Hanep talaga.

"Beatrice dali! Bihis na!" natatarantang sabi ni Aica.

"I must admit, ang galing mong rumampa. Keep it up." —Zoom

"Huy Beatrice! Bat ba tulala ka pa dyan? Halika na dito dali!" sigaw ni Aica.

Lumapit na ko sa kanya.

Talaga nga namang prepared. Lahat ng kailangan ko hawak na niya.

"Thanks." sabi ko sa kanya.

"No worries. Focus ha." aniya kaya nagbihis na ko.

Oh wait.

"Ah guys, akala ko ba magpapakilala lang muna ngayon?" tanong ko.

That's what they said earlier, kaya bakit pa ko magbibihis ulit?

"Magkakaroon pa kayo ng picture taking. Dito ibe-base yung kukuning Mr. & Ms. Photogenic. Sorry I forgot to tell you." sabi ni Zoom.

"Teka, nasan si Sandro? Bakit wala pa siya dito?" tanong ko ulit.

"Nandun siya sa assigned area ng contestant no. 3." Zoom answered.

"Why? I'm his partner right?" sabi ko.

"Naninibago nga rin kami eh. Pero sabi kasi nung bakla kanina kung sino daw yung magkaka-number sa pagrampa, sila yung magkapartner for the shoot." —Aica.

"So where's my partner—" hindi ko na natapos ang tanong ko dahil biglang may nagsalita.

"Sorry I'm late."




Bwiset.


* * *

"I didn't know you're into programs like this." biglang salita niya habang naglalakad kami patungo sa backstage.

Di ako kumibo.

"O-Oh well. You're... b-beautiful. So no wonder they'll always pick you for beauty pageants." pagsasalita niya ulit.

"Is there anything else you want to have a small talk about?" tanong ko sa kanya pero siya naman tong di nagsalita. "You know what Redix? Let's just get this over with."

Pumila na kami sa mga tamang pwesto.

Pero di tulad ng kanina, ngayon, magkakatabi yung magkaka-number.

Aish.

Habang hinihintay kong tawagin na kami sa stage, di ko maiwasang di mapatingin sa kanya.

Sinong mag-aakala na hanggang sa paglipat ko ng school e magtatagpo pa rin kami.

This is my first day here.

And who would've thought this would happen.

Well, not that I'm not expecting our paths to cross.

It's just that, why now? Why this early? Nagsisimula palang ako eh.

Tinding kamalasan naman ata nito.

"Oh ready na! Kukupad kupad kayo eh. Lalo ka na—" hindi ko na pinatapos tong baklang coordinator.

Namumuro na to e, baka akala niyang nakalimutan ko na yung pagtulak niya sakin kanina?

"Better keep your hands off my skin or else I'll flush you in the toilet you fart-smelling ugly poop." pagtataray ko sa kanya at umakyat na sa stage.

Hindi ko nakita yung reaction ni Redix sa sinabi ko dun sa baklitang yun but I'm sure he thinks I'm rude.

Nang huminto kaming dalawa sa center, nagsalita yung photographer, "Okay, start posing." aniya.

Tulad ng sinabi niya, gumawa ako ng kung ano anong pose.

"Partner kayo diba? So act and work like partners!" sigaw nung photographer, "You two listen, DO. SOMETHING. SEXY. WHILE. FACING. THE. CAMERA." he pointed out.

I didn't move.

Unexpectedly, si Redix ang unang gumawa ng move.

Pinatalikod niya ko.

"What kind of pose is this?!" pagalit kong bulong sa kanya.

"Just go with it." aniya, "Bend your knees a little. Tapos ipatong mo kamay mo dito." utos niya sabay abot ng dalawa niyang kamay.

No choice.

Sumunod nalang ako.

"What now?" —ako

"Let's look to the camera. Fierce." aniya.

Okay, this is for our class.

Kaya ko to.


Sinunod ko lahat ng sinabi niya. Hindi ako kumalas. Pinilit kong maging confident.

Sobrang lakas ng sigawan sa buong gym. Grabe talaga.

"Okay done! Ganyan sana!" sigaw ng photographer.

Rumampa pa kaming dalawa ng isang beses bago umexit.

Just one step down matatakasan ko na sana siya, pero malas talaga.

The next thing I knew, nakapalupot na ang mga braso ko sa leeg niya at nakahawak na siya sa bewang ko.

"Careful. Malalaglag ka pa." aniya.

"Matagal na kong nalaglag. Sanay na rin akong masaktan." sabi ko sa kanya sabay kalas.

Damn heels.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon