"Woohoo! This is it! I can do this, I can do this!" sabi ko sa sarili ko habang inaayos ko ang safety belt ng ride.
"First time?" sabi ng lalaking katabi ko. Naku, kinakausap ako ng gwapong lalaking ito. Narinig niya siguro ang mga sinabi ko.
"No, actually its my 5th time" nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Oh I see!" ngiting sagot naman ng lalaki.
Nakita ko na may dimples ang lalaki naisip ko agad si Dee. Weakness ni Dee ang lalaking may dimple kaya napangiti ako ng maisip kung ano magiging reaksyon nito pag nakita nya ang lalaking katabi ko. Dahil sa pag-iisip ko kay Dee hindi ko na napansin na unti unti na palang umaakyat ang ride. Nang marating na nito ang tuktok ay mabilis naman itong bumaba. Pakiramdam ko naghiwalay ang kaluluwa at katawan ko. Sa sobrang takot ay hindi ko napigilin ang mga luha ko, habang yung katabi ko naman ay mukhang nag-eenjoy sa ride. Nang matapos ang ride ay pinunasan ko agad ang mga luha ko.
"Akala ko ba pang 5th time mo na?" may halong pang-aasar na tanong ng lalaki sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong nainis sa lalaking ito.
"And who are you to care? I dont even know you!" hindi ko na naitago ang inis ko sa kanya.
Tinanggal ko ang seat belt ko at madali akong lumakad palayo sa lalaki. Agad din akong lumapit sa mga kaibigan ko.
"O, you cried? See! Ikaw itong nag-aaya tapos ikaw itong iiyak!" tanong ni Baste sa akin ng makita nya akong nagpupunas ng mga luha.
"Of course not, napuwing lang ako no, Where's Toni? Is she okay?" pag-tanggi at pag-iiba ko ng usapan.
"Nic's! Im here!" narinig ko ang nanghihinang sagot ni Toni. Agad naman din akong lumapit sa kanya para alalayan sya sa paglalakad.
"So how was it? Are you okay?" tanong ko sa kanya.
"I'm dizzy and wanna throw up but I'm fine." Nanghihina nyang sagot habang hawak hawak ang kanyang ulo.
"Oh? Umiyak ka? What happened?" tanong niya sa akin ng makita niya ang mga mata ko na parang umiyak.
"Not really, medyo nagulat lang sa ride, and it was immediately erased for some reason!" pag-amin ko kay Toni.
Dahil tapos na kami sa ride ay naglakad na kami palabas ng Ekstreme area ng makita ko ulit ang lalaking kanina lamang ay katabi ko sa ride at ang babaeng kasama niya na kausap si Baste. Kilala ba niya si Baste? Ano kaya pinag-uusapan nila at bakit nagtatawanan pa sila? Naisip ko bigla na baka ikinukwento na ng lalaking ito na umiyak ako kanina habang nasa ride. Bigla akong nainis sa naisip ko kaya agad akong bumitaw kay Toni at madaling lumapit kay Baste.
"Hey! So ano? You're telling my friend that I'm a coward? that I cried huh!?" mabilis na sabat ko sa usapan nila, napansin ko na nagulat si Baste sa bigla kong paglapit.
"Opps! Hey hey! I didnt say anything about you." Sagot naman ng lalaki habang ikinukumpas ang mga kamay habang nakangiti.
"Nics, cool ka lang! What's wrong? You know RJ?" sambit agad ni Baste at hinawakan ang braso ko.
"You know what Baste, I really dont know him but I just find this man over here arrogant and annoying!" mataray ko na sagot kay Baste. Mababakas sa mukha ni Baste ang gulat sa mga nangyayari.
"Hahahaha Pasensya ka na pare, she's my friend and medyo not in a good mood siguro kaya ganito." Paghingi ng paumanhin ni Baste sa kausap niya habang hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko.
"It's okay Pare, siguro next time I suggest dala kayo ng tali baka kasi bigla mangagat yang kaibigan mo" pagbibirong sagot naman ng lalaki.
"At bakit huh? Anong tingin mo sa akin aso para mangagat at dapat itali? Bastos ka din talaga eh no!" galit na sagot ko sa lalaki.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez