Chapter 40

71 4 0
                                    

"Actually, I don't know what I am feeling right now, sobrang saya ko parang hindi totoo and it scares me" seryosong sabi ko habang nakatingin sa river na nasa aming harap.

"Don't be scared, totoo ang lahat, and you know what? I am happy that you are happy" sabi niya sa akin.

"Bakit kaya?" Tanong ko sa kanya.

"Anong bakit kaya?" Tanong naman niya.

"Bakit kaya ngayon lang ako naging ganito ka saya?" Ngiting sabi ko sa kanya habang nakatitig.

"Oo na! Kasi nga kasama mo ako. Ano okay na?" Ngiting sabi niya at tumingin na sa river.

Ang sarap tignan ni Nico na nakangiti at masaya. Pareho kaming nakatingin sa river na nababalot ng mga magagandang kulay mula sa isang tulay. Ilang minuto din kaming naging tahimik ni Nico tila pareho kaming nagiisip.

"Thank you." Basag ko sa katahimikan.

"Thank you for what?" Tanong niya sa akin ng lingunin niya ako.

"For today, for making me happy, for giving me a chance to date you" ngiting sabi ko sa kanya.

"Wala yun, thank you din for giving me a chance to spend some time with you" sagot naman niya.

"Sana lagi tayong ganito no?" Sabi ko.

"Sana nga" mahina nitong sabi.

Nico's POV

"Sana lagi tayong ganito no?" Ngiting sabi ni Rj.

"Sana nga." Sagot ko naman.

Bigla akong nalungkot sa sinabi ni Rj, matatapos na ang isang araw na kasama ko si Rj at alam ko na masaya siya, ngunit alam ko din na nabibilang na lamang ang panahon niya. Ayaw kong masira ang masayang araw na ito kaya ngumiti ako at inaya ko siyang bumili ng makakain. May nakita kaming maliit na grocery store, pagkatapos namin mamili ay umupo kami sa damo malapit sa river.

"Alam mo, sa tagal ko dito sa Seoul ngayon lang ako nakapasyal dito sa Han River" sabi nito.

"Naku! Buti na lang pala nagpunta tayo dito ngayon, masarap dito lalo na pag nagba-bike!" Sabi ko sa kanya.

"Nakapasyal ka na dito?" Tanong niya.

"Oo! Everytime na nagbabakasyon ako dito sa Seoul dumadaan ako dito kahit ilang minuto lang para magisip at magemote saka ang ganda dito e"sagot ko naman sa kanya.

"Tama ka, ang ganda nga" sabi naman niya.

Nagulat ako ng makita ko si Rj na nakatitig sa akin habang sinabi ang mga salitang iyon. Biglang uminit ang mukha ko, kaya nag-iwas ako ng tingin.

Matapos ang ilang sandali ay nag aya na akong umuwi, sumangayon din naman ito. Hinatid ako ni Rj sa lobby ng hotel.

"Thanks Rj, see you tomorrow!" Paalam ko sa kanya.

"Thank you din Nico!" Ngiting sabi naman niya.

"Rest ka na okay?" Sabi ko naman sa kanya.

"Yeah, I'm sure masarap ang tulog ko ngayon kasi masaya ang maghapon ko! Sige na akyat ka na. Bye!" Paalam niya sa akin.

Pasakay na ako ng elevator ng bigla akong bumalik sa kinatatayuan ni Rj. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I hope you had a wonderful day with me" sambit ko habang nakayakap ako sa kanya.

"Nico you just don't know how happy I am, thank you!" Sabi din nito.

Agad din naman akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya at nagpaalam muli, sumakay na ako sa elevator at bago pa sumara ang pinto ay nakita ko na ding tumalikod si Rj.


The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon