Pag gising ko ay agad na akong naghanda dahil maya maya lamang ay darating na si Rj para sunduin ako. Nagtext na si Rj na nasa baba na siya ng hotel kaya ginising ko na si Toni para magpaalam.
"Nics behave okay?" Sabi nito.
"Anong behave ka dyan?" Takang tanong ko sa kanya.
"I mean wag ka ng mag-isip ng kung ano ano, just enjoy your day with him" sagot naman ni Toni.
"Okay! Bye!" Sigaw na paalam ko kay Toni at isinara ang pinto ng room.
Pagbaba ko sa lobby ay nakita ko agad si Rj na nakaupo sa isang couch. Napangiti ako ng makita ko siya, ang gwapo niya tignan sa stripes long sleeves at pantalon. Simple lang din ang suot ko, mini dress na pinatungan ko ng pulang cardigan. Nang makita din niya ako ay agad din siyang tumayo.
"Good morning Nico!" Bati niya sa akin ng makalapit ito.
"Good morning din Rj" ngiting bati ko din sa kanya.
"So saan tayo ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Hmm, ewan ko" ngiting sagot ko naman.
"Wait, kung i-dedate mo ba ang girlfriend mo saan mo ba dadalhin?" Dugtong na tanong ko sa kanya.
"Huh? Girlfriend? Hindi ko alam, wala naman kasi ako nun" natatawang sagot naman ni Rj.
"Pero kung i-de-date kita alam ko kung saan kita dadalhin" dugtong naman nito.
"Eh di doon tayo!" Ngiting sagot ko sa kanya.
"So, payag ka na idate kita?" Gulat na tanong naman niya.
"Yeah, bakit ayaw mo ba?" Ngiting tanong ko naman sa kanya.
"Hindi ah, gustong gusto ko nga eh. Tara!" Aya niya.
Sabay kaming lumabas sa hotel at naglakad papunta sa bus stop. Hindi ko alm kung saan kami pupunta ni Rj, ang inisip ko na lamang ay ang maging masaya si Rj.
Rj's POV
Ang saya saya ko ngayon, magkasabay kaming naglalakad ni Nico papunta sa bus stop, hindi ko pa rin mapigilan ng sarili ko na tignan siya paminsan minsan. Pakiramdam ko panaginip lamang ang lahat. Pagkasakay namin ng bus ay naupo kami sa may bandang dulong upuan.
Tahimik lamang si Nico sa tabi ko habang nakatingin sa mga nadadaanan namin.
"Nico, bakit kaya?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? Anong bakit kaya?" Takang tanong niya sa akin pagharap niya.
"Bakit kaya andito ka sa tabi ko?" Ngiting tanong ko sa kanya.
"Kasi ide-date mo nga ako diba?" Ngiting sagot naman niya.
"Thanks Nico, thank you dahil pumayag ka na maibalik natin ang noon" ngiting sabi ko sa kanya.
"You don't have to, gusto ko din naman itong ginagawa ko" sabi niya.
Napuno ng kwentuhan ang naging biyahe namin ni Nico papunta sa Seoul Land. Nakita ni Nico na sa isang amusement park kami papunta.
"Hey, don't tell me magra-rides tayo ngayon?" Ngiting tanong niya.
"Yeah, sabi ko diba kung ide-date kita alam ko kung saan kita dadalhin." Ngiting sagot ko din sa kanya.
"Pero hindi ba makakasama sayo ang mga rides?" Pagaalala niya.
"Of course not, walang bawal bawal sa akin, kaya tara na! This will be fun!" Sabi ko sa kanya.
Hinila ko na si Nico papasok sa amusement park. Nakikita ko sa kanya na parang nagaalala siya ngunit ilang saglit lamang ay nakikita ko na sa kanya na nageenjoy na siya. Sumakay kami ng ilang rides at naglaro sa ibang games, bumili din kami ng couple headbands at kumuha ng ilang selfies. Halos naikot na din namin ang amusement park kaya kumain muna kami bago kami umalis.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez