Nico's POV
Pagkatapos namin kumain ay nagpumilit pa si Rj na siya na ang magliligpit at maghuhugas ng pinagkainan namin ngunit hindi ko siya pinayagan at sinabihan ko na lamang siya na pumasok sa kwarto at magpahinga. Nagulat na lamang ako ng makita ko si Rj na nakabihis ng lumabas ito ng kwarto.
"Where are you going?" Tanong ko sa kanya.
"Sa resto, papasok na ako" sagot naman nito.
"No, no, no! You are not going anywhere. Kagagaling mo lang and hindi makakabuti yun for you." Sabi ko naman sa kanya.
"But Nico, Im fine believe me." Ngiting sagot niya sa akin.
"Oh c'mon Rj! Nagpromise ka sa akin na hindi ka na magkakasakit diba?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah I am feeling better now kaya huwag ka na mag-alala" ngiting sabi naman niya.
"You're being stubborn, why don't you just stay here and have a rest!" Naiinis ko ng sabi sa kanya.
"Thanks Nico for being so concern but I really have to work" ngiting sagot nito habang inaayos ang bag nadadalhin niya pagpasok.
"Alam mo, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! All I want is for you to be healthy and strong pero how can I do that if ikaw mismo eh hindi lumalaban! Hindi ko alam kung trip mo na talagang mamatay. And if yun talaga trip mo, I just want you to know that you are selfish! Hindi mo man lang naisip ang family mo, kaming mga kaibigan mo!" Naiiyak sa inis kong sabi sa kanya.
"Nico, hey what are you talking about?" Nagulat siya sa mga nasabi ko.
Lumapit sa akin si Rj at pinunasan ang mga luha ko.
"Nico, hindi ako mamatay sa fever and colds, saka okay na ako, thanks to you!" Ngiting sabi pa nito habang hawak niya ang balikat ko.
"Yeah right! I know everything Rj! I tried to keep it kaso nakakainis ka na eh! So what? Itatago mo pa rin ang sakit mo sa akin? Ano? Gusto mo na mababalitaan na lang namin na wala ka na? God! Rj! Ano ba? Why dont you let the others know para makasama ka nila, para maalagaan ka nila, bakit hindi mo hayaan ang mga nagmamahal sayo na maiparamdam nila na mahal ka nila kahit sa mga huling oras mo!" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Nakita kong nagulat si Rj sa mga sinasabi ko, marahil ay nagulat siya kung paano ko nalaman ang tungkol sa sakit niya. Bigla na lamang niyang binitawan ang balikat ko at bakas sa mukha nito na marami siyang tanong sa akin.
"Nico, I.. I don't understand, isa pa hindi ko alam ang mga sinasabi mo." Naguguluhang tanong niya sa akin.
"Tama na Rj! I know that you are sick and you're dying!" Sigaw ko sa kanya.
"What? And paano mo nasabi yan?" Gulat na sabi nito.
"I heard you! Kausap mo si Camille and sinabi mo sa kanya na may sakit ka and you're dying! Ayaw mo ipaalam sa family at sa iba! I guess pinipilit ka ni Camille na magpa-second opinion pero hindi ka pumayag! See how selfish you are!" Sigaw ko sa kanya.
Tahimik na nakatitig sa akin si Rj, hindi ko maintindihan ang mga tingin niya sa akin. Nagulat ako ng bigla na lamang itong tumawa ng malakas.
"And what's funny!?" Inis na tanong ko sa kanya habang tawa pa rin siya ng tawa.
"Ikaw! Grabe Nico, I never laughed like this before" tawang tawang sabi nito.
"Baliw ka na ba? Anong nakakatawa sa mga sinabi ko?" Inis na tanong ko pa rin dito.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romansa"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez