Chapter 23

98 4 0
                                    

Nico's POV

"Nico, kamusta na ba ang plano mong cafe?" Tanong sa akin ni Daddy habang kumakain ng almusal.

"Well on process pa rin Dad, actually pupunta kami ni Toni sa Korea para icheck yung supplier ko ng mga ingredients" sagot ko naman sa kanya.

"So kailan naman ang alis nyo?"dugtong na tanong ni Daddy.

"Bukas Dad para maayos na agad, and actually Dad magpapaalam din po sana ako na baka matagalan ako dun" may halong paglalambing na sabi ko sa kanya.

"At bakit naman?" Gulat na tanong nito.

"Eh syempre aside sa ime-meet ko na supplier gusto ko din sana magikot ikot muna sa Korea para macheck yung mga cafe's nila dun" paglalambing ko pa rin sa kanya.

"Oh well, just make sure na uuwi ka baka mamaya tawagan mo na lang kami at sabihin na ayaw mo ng umuwi" natatawang sabi naman nito.

"Dad! Impossible naman yata yun, ako pa ba? Eh mamimiss kita ng over nun" natatawa ko ding sagot sa kanya.

Nagimpake na ako ng mga gamit na dadalhin ko sa Seoul, maliban sa mga damit ay dinala ko din ang mga kakailanganin ko para sa meeting ko sa mga suppliers.

Tanghali pa ang flight namin ni Toni ngunit maaga pa rin kami nagtungo sa airport. Halos magkasabay kasi ang flight namin ni Chloe, papunta siya ng New York para sa business meeting.

"Gaano kayo katagal sa Seoul?" Tanong ni Chloe sa amin.

"Well actually hindi ko pa alam dito kay Nico, sabi ko sa kanya hindi ako pwede mawala ng matagal sa pinas baka wala na akong babalikan na negosyo eh" natatawang sagot naman ni Toni.

"Grabe siya! More or less 2 weeks lang kami dun, kailangan ko din kasi asikasuhin ang cafe" seryosong sagot ko naman sa kanya.

"Oh ikaw ba Chloe eh nagpaalam ng maayos kay Michael? Baka mamaya sumunod na lang yun bigla sayo dun" pagiiba ng usapan ni Toni.

"Oo nagusap na kami, isa pa 5 days lang naman ako mawawala" sagot naman nito.

"Ewan ko ba dyan kay Michael masyadong clingy sayo, buti hindi ka nagsasawa dyan sa boyfriend mo!" Natatawang sabi naman ni Toni.

"Toni, aside sa boyfriend niya si Michael eh always remember na kaibigan din niya yun kaya impossibleng maghiwalay pa yang dalawa na yan" natatawa ko namang hirit sa kanila.

Matapos ang ilang taong pag-aasaran ni Chloe at Michael e sila pa rin ang nagkatuluyan. Marketing Manager na si Chloe habang si Michael naman ay Supervisor sa magkaibang company, ilang buwan pa lang din sila simula ng sagutin ni Chloe si Michael. Samantalang si Baste at Dee naman ay may mga kanya kanya na ding trabaho. Si Toni ay nagtayo na din ng isang negosyo at ngayon naman ay business partner ko para sa itatayo naming Cafe.

Sabay sabay na din kaming umalis sa kinauupuan namin dahil kailangan na namin magtungo sa kanya kanya naming departure gate. Ilang oras ang lumipas ay nakarating din kami ng Seoul ng ligtas, dumiretso na muna kami ni Toni sa hotel bago kami mamasyal. Hindi namin 1st time ni Toni sa Seoul, nakapagbakasyon na kami dito kasama ang barkada.

"Nics, saan tayo kakain?"agad na tanong ni Toni pagpasok namin sa aming hotel room.




The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon