"Thank you Chef for giving us the oppurtunity to work and be part of your family, ang lahat po ng natutunan at experience namin ay hindi po namin makakalimutan" sabi ni Nico at niyakap si Chef Arnold.
"Thank you Chef Arnold sa lahat ng naitulong niyo sa amin at syempre sa inyong lahat" sabi ko naman.
Pagkatapos ng duty namin ay nagtungo agad ako sa locker area para kunin ang mga gamit ko. Bago pa man ako makapasok ay nakasalubong ko naman si Nico na dala na ang mga gamit niya.
"Nico," tawag ko sa kanya.
"Rj" sagot niya.
Ilang sandali kaming tahimik habang magkaharap, parang pareho kaming nagiisip kung ano ang dapat naming sabihin sa isat isa.
"Ahhm I have to go" basag ni Nico sa katahimikan.
"It was nice working with you" ngiting sambit ni Nico at inilahad ang kamay niya.
"It was nice working with you too" tanging nasabi ko at tinanggap ang kamay niya.
Agad din naman niyang binitawan ang mga kamay ko at nagpaalam upang umalis na. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at sinundan ng tingin si Nico hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.
Nico's POV
Ilang buwan na ang lumipas simula ng matapos ang internship ko sa resto. Naging abala ako sa nalalapit na pagtatapos ko sa college, naibalik na din namin ang friday bonding ng barkada dahil tapos na din ang iba sa mga internship nila. Wala na akong narinig na balita tungkol kay Rj, ang huling araw ko sa resto ay ang huling araw din na nakita ko si Rj. Hindi rin nababanggit sa barkada ang tungkol sa kanya, hindi na din ako naguupdate ng mga social media at hindi na din ako nagbubukas.Pakiramdam ko ay bumalik sa normal ang buhay ko.
"Oh Chloe, asan na ba si Michael?" Tanong ko sa kanya.
"Ewan ko dun, tinawagan ko kanina sabi niya on the way na siya" sagot naman nito.
"Nics, next week na graduation natin excited ka na ba?" Tanong ni Dee sa akin.
"Hoy Dee! Anong klaseng tanong ba yan?" Sabat naman ni Toni.
"Ito talaga si Dee minsan waley ang mga tanong eh!" Sabat din ni Baste.
"Tss oo na! Waley na!" Sagot naman ni Dee.
"Syempre excited na pero mageeroll ako ng short course para sa pastries, gusto ko kasi magspecialize sa pastries eh" sagot ko naman sa kanila.
"Wow! At talagang hindi ka pa nakuntento sa pag-aaral huh!" Sagot naman ni Chloe.
"Hindi naman, kailangan ko lang kasi plano ko magtayo ng isang maliit na cafe and gusto ko ako mismo gagawa ng mga pastries ko." Nakangiti kong kwento sa kanila.
Nagsama sama kami ngayon para magcelebrate dahil ilang araw na lamang ay graduation na namin. Sa wakas tapos na kami sa college at naghahanda na kami sa totoong laban ng buhay.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez