Chapter 16

97 7 1
                                    

Tama kaibigan ko si Nico at ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin dahil lamang sa may nararamdaman ako para sa kanya.

"Ito lang pare huh, kaibigan ko si Nico and I know siya yung tipo ng babae na hindi marunong makiramdam, yung tipo ng babae na hindi nadadaan sa mga pasaring at palipad hangin. If you like her let her know, tell her dahil kung hindi naku walang mangyayari." Payo naman ni Baste.

"Kaya lang isn't too early to say na gusto ko siya? We are still getting to know each other and isa pa natatakot akong masira ang nabuo naming pagkakaibigan. And just let me remind you guys she hates me in the past and ilang weeks pa lang since we became friends." Mahabang litanya ko sa kanila.

"Pare what if she was attracted to you when she first saw you? What if nainis siya sayo kasi nakita niya na may kasama kang babae and she thought na girlfriend mo ang kasama mo?" Tanong naman ni Baste.

"Paano mo nasabi yan? Did she told you that she was attracted to me then? Na nainis siya dahil akala niya girlfriend ko si Cams?" Takang tanong ko kay Baste.

"She didn't say anything, but last friday nasabi nya that she thought na girlfriend mo si Camille," sagot naman niya.

"Hmm its possible na ganun nga ang dahilan, kasi diba sabi mo sa akin Arj, hindi mo naman siya inaway when you met her? na you even talked to her and she answered then later on bigla na lang siyang nagalit diba?" Pagalala ni Cams.

"And about the girlfriend issue, hindi mo naman kasi nasabi sa kanya na wala kang girlfriend and you always talk about Camille without telling her that she is your bestfriend, though she now knows about her thanks to me!" natatawang sabi naman ni Baste.

"Eh what if hindi naman pala yun ang dahilan? What if she hated me in the past talaga? And what if akala lang talaga niya na girlfriend ko si Cams thats it!" sagot ko sa kanila habang nakatayo na sa tapat nila.

"Hay naku! Stop thinking about what if's noh! Be brave enough to know what is" sabi naman ni Cams.

"Si Basha nga ng One More Chance naging matapang eh diba Baste?" Natatawang tanong ni Cams.

"Ganito na lang pare, I won't tell Nico about this, hindi kita pangungunahan and we'll give you time to think and be sure about your feelings for her" sambit naman ni Baste.

"And kung nakapagisip -isip ka na susuportahan ka namin sa magiging decisyon mo" dugtong pa rin niya.

"Thanks Pare" ngiting sagot ko naman sa kanya.

Alam ko sa sarili ko na gusto ko na si Nico ngunit kailangan kong siguraduhin ang nararamdaman ko dahil ayokong dumating ang panahon na masaktan ko si Nico.

Nico's POV

"Good morning!" Masayang bati ko sa mga tao na nasa kitchen.

"Good morning din! Naku mukhang happy ang monday mo ah" sagot naman ni Robie.

"Syempre! We have to start our week happy para everybody happy!" Masaya at may pagtaas pa sa kamay kong sagot sa kanya.

"Oh e asan ang partner mo?" Tanong naman ni Jane.

"Huh? Wala pa ba siya? Anong nangyari dun? Hindi naman nale-late yun ah!" Takang tanong ko sa kanila.

Magtatanghali na ng dumating si Rj, pagpasok niya sa kitchen ay tinanong ko siya agad kung bakit siya late. Maikli lamang ang naging sagot niya, nakakapanibago ang dating niya. Parang may problema, para hindi na makaabala sa kanya ay hindi ko na lang din muna siya kinulit. Hindi din siya sumabay sa akin sa lunch break at hindi niya ako masyadong pinapansin, naisip ko tuloy kung meron ba akong nasabi o nagawa sa kanya kaso wala naman akong maisip na pwede niyang ikagalit sa akin. Ilang araw na lamang at matapos ko na ang internship ko sa resto kaya nais ko sana na maging maayos ang lahat.

"Psst! Anong problema nun?" Tanong ni Robie sa akin patungkol kay Rj.

"Hindi ko nga din alam eh, baka may sumpong" biro kong sagot sa kanya.

"Eh kinausap mo na ba?" Tanong ulit niya.




The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon