Chapter 9

105 4 0
                                    

RJ's POV

Bago matapos ang araw ko dito sa restaurant ay nais ko sanang kausapin si Nico para mag-apologize, lalakasan ko na ang loob ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok, tinawag ko ang panggalan niya at humingi ng konting oras para makausap siya. Mabuti na lamang at tinanggap nya ang pakikipag kaibigan ko sa kanya.

Sabay kaming lumabas sa restaurant, hatid sundo pala siya ng driver nila kaya nagpa-alam na siya sa akin na mauuna na siyang umalis.

"Nico!" tawag ko sa kanya bago pa siya makasakay sa sasakyan niya.

"Thank you for today and see you tomorrow" nakangiting sabi ko sa kanya ng lumingo siya.

"Thank you din RJ, drive safely!" nakangiting sagot naman niya sa akin.

Sumakay na siya ng kanyang sasakyan at umalis habang ako naman ay sumakay na din sa akin sasakyan. Bago pa ako umalis ay tinawagan ko si Cams.

"Hi Cams! How are you? Ang dami kong kwento sayo" masaya kong sabi kay Cams.

"Oh really? Naku mukhang masaya ka talaga huh, so how was your day?" tanong din nito.

"Naaalala mo ba yung isang friend ni Baste yung kababata ko? Yung girl na galit na galit sa akin?" pagpa-paalala ko sa kanya.

"Yeah! Yung girl na lumapit sa atin na parang gusto ka ng tirisin sa inis?" natatawang sabi niya.

"Yeah siya nga! Siya ang partner ko dito sa restaurant, intern din siya dito sa restaurant ni Chef Arnold." Kwento ko sa kanya.

"Wow that's good atleast may chance ka na to say sorry and be friends with her, " sabi naman ni Cams.

"You're right and actually we are friends now!" masayang sabi ko pa rin sa kanya.

"That's great, so now that both of you are friends sana lang hindi mo siya aasarin at kukulitin" may halong pang-aasar pa niya.

"So, ikaw? How was your day?" pagtatanong ko naman sa kanya. Nasa 3rd year college na si Camille and alam ko medyo mahirap na din ang mga subjects niya.

"Okay naman, nothings new dami pa rin kailangan pag-aralan but I am fine. You don't have to worry" sagot niya sa akin.

Matapos ang konting kwentuhan at kulitan ay nagpa-alam na ako sa kanya at umalis na sa restaurant. Hindi niya alam na susunduin ko sa ngayon kaya pupunta na ako sa school niya at aantayin ko siya. Kumain lang kami ng dinner at inihatid ko na siya sa bahay nila at saka ako umuwi.

Pagpasok ko pa lang sa kitchen masaya na akong sinalubong ng mga staff ng resto.

"Good morning RJ!" bati sa akin ni Jane ang palangiting kitchen staff.

"Good morning Ms. Jane!" bati ko naman sa kanya.

"Naku! Jane na lang no, masyadong formal ang Ms." Tawang sagot niya sa akin.

"Good morning RJ" bati rin sa akin ng isa pang staff na si Robie.

"Hi Good morning Robie" ngiting bati ko din sa kanya.

Nakita ko si Nico sa isang sulok ng kitchen habang naghihiwa nga mga ingridients na gagamitin, lumapit ako sa kanya.

"Hi Nico! Good morning!" nakangiti kong bati sa kanya.

"Hi RJ! Good morning!" nakangiting bati din niya.

Tumabi ako kay Nico para tulungan siya sa ginagawa niya. Ngayon na magkaibigan na kami ay nakikita ko na isa siyang masayahin at mabait na babae, kung maganda siya pag nagagalit ay mas maganda siya pag nakangiti. Hindi namin namalayan ang oras sa dami ng nagawa namin ngayon sa kitchen. Pagkatapos ng trabaho ay kanya kanya na naman kami sa pag-aayos ng gamit para sa paguwi namin. Nang makita ko si Nico bago pumasok sa lockers area ay agad ko naman siyang hinabol.

"Nico! Selfie tayo okay lang?" tanong ko sa kanya ng makalapit na ako.

"Huh!? For what?" tanong naman niya.

"Documentation!?" nakangiting sagot ko sa kanya.

Natatawa siya sa sagot ngunit pumayag na rin siya sa selfie na request ko sa kanya. Matapos namin magselfie gamit ang phone ko ay humirit din siya para sa isa pang selfie gamit naman ang cellphone nya.




The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon