Chapter 12

105 4 0
                                    

Camille Taylor's POV

"And I had a chance to get to know her more and you know what? That girl is amazing, dami kakaiba sa kanya.. she's special" patuloy na kwento ni RJ.

Habang pinagmamasdan ko si RJ habang nagkukuwento at nakahiga sa kama ko ay nakikita ko sa kanya ang saya niya. Sa tatlong taon kong pagkakakilala kay RJ isa ito sa mga araw na masasabi ko na masaya siya at masaya siya dahil sa babaeng kinukwento niya, si Nico.

"Alam mo Arj, masaya ka!" Puna ko sa kanya ng matapos siyang magkwento.

"I am Cams!"sagot niya.

"So Nico is really special huh?" Panunudyo ko sa kanya habang nakaupo ako sa upuan malapit sa kama ko.

"Hey! I know what you're thinking and its not that!" Napabalikwas siya sa pagkakasabi niya.

"Wala akong sinasabi ahh" natatawa kong sabi sa kanya.

"Hindi ko siya crush no, masaya lang ako na kaibigan ko siya" patuloy niya.

"Hey hey! Wala akong sinasabi na crush mo siya, hala deffensive!?" Natatawa kong sagot sa kanya.

"Tara na kumain na tayo baka mamaya mapa-amin pa kita e" patuloy ko.

"Cams!" Sigaw ni RJ.

Itinaas ko na lamang ang mga kamay ko hudyat na suko na ako sa usapan at hindi ko na siya bibiruin. Bumaba na kami at kumain. Hanggang sa hapunan ay patuloy pa rin si RJ sa pagku-kuwento ng tungkol kay Nico. Habang ako naman ay patuloy lang din sa pakikinig.

Nico's POV

Ilang linggo na din kaming nagkakasama ni RJ sa resto at nagiging malalim na din ang pagkakaibigan namin. Kilala na niya ako at kilala ko na din siya. Ang pagkakaibigan na nabuo namin sa resto ay umabot na din sa social media. Halos lahat ata ng social media ko ay friend at naifollow na namin ang isat isa. Masasabi ko na siya ang pinakaclose ko sa restaurant kahit na lahat ng staff ay mababait sa amin at kaibigan din namin ay iba pa rin ang closeness namin ni RJ marahil dahil pareho kaming intern. Lagi kaming magkasama kahit mga kasama namin ay lagi kaming niloloko dahil hindi na daw kami mapahiwalay.

"Oh lunch break na, asan na partner mo?" Tanong ni Jane sa akin.

"Ahh hindi ko alam eh baka nakasama na sa truck ng basura" biro kong sagot sa kanya.

"Ay RJ oh niloloko ka na naman ni Nico" sigaw ni Jane.

"Hala grabe siya oh!" Biglang sulpot naman ni RJ.

"Ay sorry andyan ka pala hahaha" natatawa kong sabi sa kanya.

"Eh ikaw nga eh naiwan ata utak mo sa bahay eh" pang aasar naman nito sa akin.

"Ayan mag-aasaran na naman hahaha kayo talaga!" Natatawang sabi naman ni Jane.

"Alam nyo diyan nagkamabutihan ang mga lolo at lola ko ayiiieee" sabat naman ni Robie.

"Hay naku kung si RJ na lang din huwag na hahaha" sagot ko sa kanila.

"Hey hey! Bakit anong masama sa akin? Saka naku kung ikaw na lang din wag na no!" Sagot din ni RJ.

"Hay naku kayo talagang dalawa! Ito huh itaga niyo sa bato pag kayo nagkatuluyan magpapa-misa ako!" Sabi ni Robie.

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Robie. Makukulit at masaya ang mga kasama namin, minsan kahit si Chef Arnold ay nakikipagbiruan din sa amin. Dahil na matagal tagal na din kaming magkasama ni RJ ay paminsan minsan ay inihahatid na niya ako sa bahay. Friday ngayon at dahil wala naman masyadong tao sa restaurant ay nagpaalam ako kay Chef na maaga akong uuwi para makasama ko ang mga kaibigan ko. Napagusapan namin ni Toni na susunduin niya ako sa restaurant. 




The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon