Nico's POV
"Bakit? May mali ba if sabihin ko na gusto kita?" Sabi ni Rj.
Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi ni Rj. Gusto kong magsisisigaw sa tuwa dahil gusto niya ako pero bigla ko naalala ang sinabi niya sa akin noong isang araw, tungkol sa babaeng mahal niya. Naisip ko na iba ang gusto sa mahal, maaring gusto niya ako pero hindi niya ako mahal at ayaw kong maging panakip butas lamang. Alam kong mahal pa rin ni Rj ang babaeng tinutukoy niya dahil nakita ko sa kanya iyon.
"Okay fine, you like me, I like you too! Kaya nga click tayo as friends diba?" Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Naku late na, tara uwi na tayo baka inaantay na ako ni Toni." Dugtong ko.
Para makaiwas na din sa mga kung ano pang masabi ko sa kanya ay inaya ko na lamang siyang umuwi. Naging tahimik ang biyahe namin pauwi sa hotel tila pareho kaming nag-iisip. Pagdating namin sa hotel ay nagpaalam na din ako sa kanya.
"Thanks for the night Rj" ngiting sabi ko sa kanya.
"Thank you din" sabi naman nito.
"Ahm so text text na lang." Sabi ko sa kanya.
"Of course, sayang at hindi ko na kayo mahahatid sa airport bukas" sabi niya.
"It's okay, medyo maaga din kasi ang flight namin" ngiting sabi ko naman dito.
"Send my regards to Baste at sa iba na din, have a safe flight and take care." Ngiting sabi pa rin nito.
"Sure sasabihin ko pag nagkita kita kami. Ikaw din ingat sa pag-uwi mo. Ahm akyat na ako." Paalam ko sa kanya.
"Sige, good night!" Paalam din nito.
Niyakap pa niya ako at nagbeso bago pa ako makalayo sa kanya.
"Sige goodnight" tanging nasabi ko.
"Sige." Rinig kong sagot niya.
Tumalikod na ako at naglakad ng palayo kay Rj. Pagsakay ko sa elevator ay hindi ko na natanaw si Rj marahil ay nakaalis na rin ito. Pagdating ko sa kwarto ay naabutan ko si Toni na nageempake na ng mga gamit niya.
"Hey! So how was your date?" Ngiting tanong nito.
"It was fine, nagdinner lang then naglakad ng kaunti sa may Han River" mahina kong sabi sa kanya.
"Oh! E bat ganyan ang itsura mo? You don't look fine" takang tanong naman nito ng tumingin siya sa akin habang patuloy pa rin siya sa pagiimpake.
"Wala, napagod lang siguro saka malamig na din kasi ang panahon" sagot ko kanya at naupo sa couch.
Hindi ko na ikinuwento kay Toni ang ibang nangyari sa naging lakad namin ni Rj dahil ayaw ko na inisipin ang mga iyon. Sa pag-alis ko ng Seoul ay iiwan ko ang ibang alaala dito at haharapin ang bagong buhay sa Manila.
Nagaayos ako ng mga gamit ko ng tumunog ang cellphone ko. Nakita ko na si Rj ang nagtext, agad ko din naman kinuha ang cellphone at binasa ang text niya.
"Hi Nico, sorry about kanina, I know nagulat ka sa sinabi ko but I just want you to know how I feel about you and tama ka we both like each other kaya click tayo as friends. Sana hindi magbago ang pagkakaibigan natin." Sabi niya sa text.
"Wala yun, tulad ng sabi ko pagkaibigan ko, kaibigan ko talaga. Don't worry walang magbabago." Agad ko namang sagot sa kanya.
"Thank you. Sige pahinga ka na maaga ang flight niyo right?" Basa ko sa text niya ulit.
"Yeah, nagaayos lang ako ng gamit ko then after pahinga na." Sagot ko naman sa text nito.
Tulad ng sabi ko kay Rj maaga ang flight namin ni Toni pabalik ng Manila. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din ako sa pagiimpake, naghanda na din ako para matulog. Kinabukasan, bago pa man kami makaalis sa hotel ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Rj.
"Hello?" Bati ko ng masagot ko ang tawag.
"Hi! Good morning!" Sabi naman niya sa kabilang linya.
"Good morning din! Aga mo ata nagising?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, para makapagpaalam naman ako sayo." Sabi naman nito.
"Ano ka ba, matulog ka pa ulit aantukin ka niyan mamaya sa resto, paalis na din kami ng hotel" sagot ko sa kanya.
"Ganun ba? Sige text mo na lang ako pag nasa airport na kayo okay? Ingat kayo huh!" Sabi naman niya.
"Sure. Text kita ulit mamaya! Sige na sleep ka na ulit." Sabi ko sa kanya.
"Rj, thank you huh!" Habol ko dito.
"Thank you din Nico." Rinig kong sabi niya.
Pagdating namin ng airport ay tinext ko naman si Rj upang ipalaam sa kanya na nasa airport na kami. Agad din naman itong sumagot sa text tila nagaantay lamang siya. Lumipas ang ilang oras ay sumakay na kami ni Toni sa plane namin at inantay ang paglipad nito.
Mabilis lumipas ang araw dahil naging abala ako sa pagaayos ng cafe. Hinahabol namin na makapagbukas na kami sa susunod na linggo, maging si Toni ay abala na din. Simula ng dumating kami ni Toni ng Manila ay hindi pa namin nakikita ang barkada, napagusapan namin na sa opening na lamang ng cafe kami magkita kita. Dahil na rin sa cafe ay hindi na kami ulit nagkausap ni Rj, nagtetext pa rin naman ito ngunit bihira akong makasagot sa kanya. Humingi din naman ako ng pasensya dito at ipinaalam ang sitwasyon ko.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez