Nico's POV
"What are you doing here?" tanong ko sa lalaking pumasok sa opisina.
"We'll first day ko ngayon sa internship ko and you?" balik niyang tanong sa akin at akmang uupo sa tabi ko.
"And what do you think you're doing?" mataray na tanong ko sa kanya habang hawak ko pa rin ang food magazine na kinuha ko kanina.
"Uupo? Kasi I am waiting for Chef" nakangiting sagot naman niya.
"Pwede ka naman umupo sa ibang couch, hindi naman natin kailangan magtabi" mataray ko pa rin na sabi.
"Ms. Nico right? Ano ba problema mo sa akin? Sa pagkakatanda ko naman kasi hindi naman kita ina-ano" tanong niya sa akin ng makaupo na siya sa katabing couch.
Naku paano na ito? Hindi ko naman pwede sabihin sa kanya na crush ko siya kaya ako naiinis sa kanya, ano kaya ang isasagot ko sa kanya? Tanong ko sa aking sarili.
"Eh kasi.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok si Chef Arnold. Halos sabay din kaming tumayo ni RJ para batiin si Chef.
"Hi Good morning Nico and RJ, sorry at medyo na late ako, nagkaroon kasi ng biglaang meeting, take a seat" nakangiting saad ni Chef.
"Well, both of your parents talk about you guys a lot kaya when I heared that you guys are looking for a company for your internship eh agad akong nag-offer ng invitation" masayang kwento ni Chef.
"Of course, I would love to be part of your growth as a Chef, who knows both of you will be one of the top chefs of the world!" patuloy pa rin niya.
"Naku Chef, malayo pa po yun marami pa po akong dapat matutunan" sagot ko sa kanya.
Matapos ang konting kwentuhan tungkol sa pagiging Chef ay ipinaliwanag na din niya ang mga dapat namin gawin sa buong internship namin. Halos lahat ng mga gagawin ko ay mukhang mag-eenjoy ako maliban na lamang sa makakasama ko. Kasama din sa mga sinabi ni Chef na kaming dalawa ni RJ ang magiging partner sa lahat ng bagay pagdating sa internship. Sabay naman kaming tumayo para lumabas at magtungo sa kusina para makilala ang iba pang staffs ng restaurant. Isa isang pinakilala ni Chef ang lahat ng staff ng kusina at ibang staff ng kanyang restaurant, lahat sila ay mukhang mababait. Pagkatapos kaming ipakilala ay inilibot din kami ni Chef sa buong restaurant, mabait at palangiti si Chef kaya mukhang masaya ang internship ko dito. "Sana nga talaga" habol ng isip ko.
Hindi pa ganun kahirap ang mga ginawa ko sa maghapon dahil unang araw ko pa lamang ito sa resto, more on familiarization lang ang ginawa namin ni RJ. Oras na ng uwi ko kaya nagligpit na ako ng mga gamit ko dahil maaaring andyan na ang sundo ko sa labas.
"Nico" tawag ng isang pamilyar na boses sa akin. Nilingon ko ito at nakita kong nakatayo siya sa may pintuan.
"Ahhm, can I talk to you?" tanong niya.
"Actually, I just want to apologize, sorry if na-offend kita several weeks ago, I didn't mean to offend you" nakikita kong sincere ang paghingi niya ng sorry.
"Isa pa I want us to be friends lalo na ngayon na everyday tayo magkakasama dito sa resto, ayaw ko naman na meron tayong silent war while working here" patuloy niya.
Nakikita ko sa kanya na mabuti siyang tao at isa pa wala naman talaga siyang kasalanan sa akin kaya wala talaga siyang dapat ihingi ng tawad. Tama rin naman siya araw araw kaming magkakasama sa resto at hindi makakatulong iyon sa internship ko kung hindi kami magkakasundo.
"You don't need to apologize, wala ka naman talagang kasalanan, wala lang ako sa mood ng time na yun kaya uminit ang ulo ko sayo" nahihiya kong sabi sa kanya.
"I should be the one who needs to apologize, I was mean and rude and I am sorry" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Nah, it's okay, I understand you, so friends?" nakangiting inabot nya ang kamay niya para makipag-kamay.
Tinanggap ko naman ang mga kamay niya para sa pakikipag kamay.
"So let's start, Hi I am Richard Valdez Jr but you can call me RJ, and you are?" nakangiting tanong niya habang hawak pa rin niya ang mga kamay ko.
"I am Nicomaine Ramirez and you can call me Nico" nakangiti ko ding sagot sa kanya.
Sabay na kaming lumabas sa restaurant nakita ko na ang sundo ko kaya nagpa-alam na ako sa kanya na mauuna na akong aalis.
"Nico!" tawag niya bago pa ako makasakay sa sasakyan, nilingon ko naman siya.
"Thank you for today and see you tomorrow" habol niya.
"Thank you din RJ, drive safely!" sabi ko naman sa kanya at sumakay na ako sa sasakyan.
Dahil mahaba pa ang biyahe pauwi sa bahay kaya kinuha ko ang cellphone ko at nagpost ng status sa facebook.
Friends- feeling happy
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez