Chapter 41

71 3 0
                                    

Pagdating ko sa kwarto ay sinalubong ako ni Toni.

"Nics! Ano kamusta?" Ngiting bati niya sa akin.

Niyakap ko ng mahigpit si Toni at hinayaan bumagsak ang mga luhang maghapon kong pinigilan.

"Hey, what's wrong?" Tanong niya sa akin.

"He's so happy, Toni! Bakit kailangan mangyari ito sa kanya?" Sabi ko habang patuloy pa rin ako sa pagiyak.

"Ssshhh, tama na." Panghihinahon ni Toni.

"Nakakalungkot lang talaga" sabi ko ng humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Toni.

"Don't tell me maghapon kang umiyak at inisip ang lagay ni Rj" sabi niya sa akin.

"No. I enjoyed our date, kinalimutan ko ang lagay niya at hinayaan na maging masaya lang kami" sagot ko naman dito.

"Ganun naman pala eh, forget about his situation and just enjoy every moment okay?" Sabi naman niya.

Tumango lamang ako sa mga sinabi ni Toni, pagkatapos naming magusap ay naghanda naman ako para magpahinga. Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda para sa pagpasok ko sa resto.

"Hey saan ka pupunta?" Tanong ni Toni sa akin ng makita niya na nakabihis na ako.

"Papasok sa resto" sagot ko naman sa nya.

"Last day mo na today diba? Ayaw mo na ba magextend para makasama mo si Rj?" Tanong nito.

"I don't know, well let's see kung kailangan pa nila ako, saka if ever na magextend ako paano ka naman dito? Im sure nabo-bore ka na." sagot ko naman sa kanya.

"Sus! Ano ka ba don't worry about me, I have my own feet kaya I can stroll all by myself. Isipin mo yung time nyo ni Rj!" Sabi naman niya sa akin.

"Hay bahala na! See you later, I have to go" paalam ko na dito.

Pagdating ko sa resto ay nakita ko agad si Rj sa kitchen habang nagaayos ng mga gagawin niya.

"Good morning Nico!" Ngiting bati niya sa akin.

"Hi! Good morning!" Ngiting sagot ko naman sa kanya.

"Last day mo today right?" Tanong niya sa akin ng makalapit ako sa kanya.

"Yeah, but if you want me to extend pwede din naman." Ngiting sabi ko sa kanya.

"Hey, ako ba talaga o ikaw ang gusto magextend? Nico huh, masyado kang obvious!" Natatawang sabi niya.

"Obvious?" Takang tanong ko dito.

"Yeah! Obvious na crush mo ako!" Natatawang sagot naman nito.

"Oh excuse me Mr. Valdez! Binibiro ka lang no huwag ka din assuming" natatawang sagot ko naman sa kanya.

"Alam mo! Bakit nga kaya talaga?" Seryosong tanong niya sa akin ng tumigil siya sa ginagawa niya at tumitig sa akin.

"Bakit ano?" Seryosong tanong ko rin sa kanya.

"Bakit ang ganda talaga ng surname ko pag nanggagaling sayo" ngiting sagot niya.

"I think mas maganda kung uumpisahan yun ng name mo. Nicomaine Valdez!" ngiting sabi niya habang nakataas pa ang isang kamay niya.

Pakiramdam ko naman ay biglang namula ang aking mukha kaya agad din akong naglakad patungo sa area ko.

"Ewan ko talaga sayo Rj, diyan ka na nga at madami pa akong gagawin." Sabi ko sa kanya habang naglalakad patungo sa area ko.


The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon