1 year after
Rj's POV
After graduation ay nag-apply ako as Assistant Chef sa restaurant ni Chef Arnold, mapalad naman na nabigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho muli si Chef. Matapos ang ilang buwan ay pinadala ako ni Chef Arnold sa Seoul para maging Chef sa kanyang resto, ipinagkatiwala niya sa akin ang resto kaya hindi ko sisirain ang tiwalang iyon. Madalas pa rin bumisita si Chef para tignan ang kalagayan ng mga restaurant niya.
"Good morning!" Bati ko sa nga kasama ko sa resto.
"Chef, si Chef EunHye hindi daw po makakapasok today, may emergency daw" bungad naman ni Ken.
"Ay ganun ba? Sige mag-adjust na lang muna tayo" sagot ko sa kanya.
"Okay Chef" ngiting tugon naman nito.
"So, Chie what's for today?" Tanong ko sa assistant ko.
"Well, Chef Arnold will be here any moment so you better fix yourself and be ready" ngiting sabi ni Chie.
"Oh! Chef's here!" Biglang tugon niya ng makita si Chef Arnold na papasok ng restautant.
"Good morning Chef Arnold!" Bati ko sa kanya ng makalapit na ito sa kinatatayuan namin.
"Good morning Chef! So kamusta kayo dito? I know I made a short notice about my visit, well actually Im here for a business trip and naisip ko na bisitahin na din kayo" sabi naman ni Chef Arnold habang naglalakad kami patungo sa office.
"We're okay Chef, actually nagkakaproblema lang lately kay Chef EunHye napapadalas po kasi ang absent kaya medyo naaapektuhan mga pastries natin but manageable pa naman" sagot ko naman sa kanya.
Pagpasok namin sa office ay umupo kami sa couch.
"I see, that's what I like about you Rj, lagi mong nagagawan ng paraan ang mga bagay. Anyway if you need an aditional chef just let me know okay?" Ngiting sabi naman ni Chef.
"Don't worry Chef, I'll let you know if I need one." Sagot ko naman sa kanya.
"You know what Rj, I am really happy that you're working in my company, though alam naman natin na kayang kaya mo ng magtayo ng sarili mong resto." Seryosong sabi nito.
"Naku Chef, yun po ata ang hindi ko pa kaya, ang mag manage ng sarili kong resto, masaya naman po ako bilang Chef and I'm also thankful for the oppurtunity na makapagtrabaho dito." Nakangiti kong tugon kay Chef.
Madami rin kaming napagusapan tungkol sa resto at kung anu ano pa. Matapos ang paguusap namin ay nagtungo na agad ako sa kitchen para simulan ang mga gagawin ko.
Ilang buwan pa lamang ako dito sa Seoul, hindi naman ako masyadong nahirapan sa pag-adjust dahil karamihan sa mga staff namin ay Pinoy at dahil naging tanyag ang restaurant ni Chef Arnold ay dinadayo rin ito ng mga kapwa pinoy na nagta-trabaho dito sa Seoul.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Lãng mạn"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez