Rj's POV
Dahil sa sinabi ni Chef na may darating na makakatulong sa amin sa resto ay pinaayos at pinalinis ko ang baking area para hindi naman magulo at nakakahiya sa Chef na darating.
"Rj! Chef's here" tawag ni Chie.
"Coming" sagot ko naman sa kanya.
Agad naman akong lumabas at nagayos ng kaunti para magmukhang presentable sa kasama ni Chef. Paglabas ko ay nagulat ako na magisa lamang ito.
"Hi Chef!" Bati ko sa kanya.
"Rj, bakit ganyan itsura mo? Huwag kang magalala parating na yung sinasabi ko na makakatulong sa atin" ngiting sabi niya sa akin.
"Ah ganun po ba?" Ngiting sagot ko naman sa kanya.
"Yes and I'm sure eh mas magugulat ka if makikita mo siya!" Natatawang sabi ni Chef.
"Bakit naman po? Naku Chef kinabahan naman po ako diyan" biro ko sa kanya.
"Naku, I guess you'll be thanking me about this" ngiting sagot pa rin nito.
"Wow nakakaexcite po yan" tanging nasabi ko.
Pumunta na muna si Chef sa opisina niya para tignan ang ibang mga bagay tungkol sa resto samantalang ako naman ay nagiisip kung sino ang tinutukoy ni Chef. Bumalik na lamang ako sa kitchen para tapusin ang mga naiwan kong gawain ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hey Clark!" Bati ko sa kanya pagsagot ko ng tawag niya.
"Kuya, Nasaan ka na ba? Kanina pa ako nandito sa bus stop." Sabi ni Clark sa akin.
"Ay oo nga pala, sorry sorry nawala sa isip ko, papunta na ako saglit lang." sagot ko naman sa kanya.
Kinuha ko ang maliit na box at iniwan ang cap sa office at nagpaalam muna kay Chie na lalabas ako saglit at babalik din agad. Halos lakad takbo ang ginawa ko para marating ang bus stop kung saan naghihintay si Clark.
"Sorry! Nawala sa isip ko" hinihingal ko na sabi sa lalaki.
"Kuya naman eh, alam mo naman na hindi ko alam paano puntahan yang resto mo" sabi nito.
"Oo na sorry na nga eh, anyway ayan, paki bigay sa Ate mong makulit!" Sabi ko at iniabot ang box kay Clark.
"Eh asan yung sa akin?" ngiting tanong naman nito.
"Aba! Hindi ko alam na kpop fan ka na din ngayon tulad ng Ate mo!" Biro kong sabi kay Clark.
"Kuya naman!" Sagot nito.
"Sa Ate mo lang yan, saka pinabili niya yan hindi pasalubong no. Anong oras ang flight mo?" Pagiiba ko ng usapan.
"Mamaya pang 10pm" sagot naman nito.
"Ganun ba? O sige hindi na kita mahahatid may ginagawa kasi ako sa resto e." Sabi ko dito.
"Okay lang, magaabang na lang ako ng taxi." Sagot naman nito.
"Send my regards to everyone okay? At sabihin mo sa Ate Camille mo tigilan na niya ang pagpapabili ng mga kung ano ano sa akin" natatawang sabi ko sa kanya.
Inantay ko lamang na makasakay ng taxi si Clark at naglakad na ako pabalik ng resto.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez