"Toniiii"sigaw na bati ko sa kanya ng makita ko ang siyang nakatayo sa labas ng kotse niya.
"Nicoooo!" Sigaw din niya ng lumingon siya sa akin.
"Grabe ang tagal natin hindi nagkita, namiss kita" sabi ko sa kany ng makalapit ako at niyakap.
"Oo nga eh, internship pa more" natatawang sabi naman ni Toni.
"Tara na at nagaantay na ang buong barkada" patuloy niya.
Nasa biyahe na kami papunta sa bahay nila Dee. Nandun na rin sina Baste, Michael at Chloe. Ilang linggo din kaming hindi nagkasama sama pero kahit hindi kami nagkikita ay tuloy pa rin ang kulitan namin sa groul chat namin sa viber.
"So? Kamusta naman kayo ni RJ?" Tanong ni Toni.
Nasabi ko na sa barkada na kasama ko si RJ sa resto at okay na kami.
"We're okay, normal na parehong abnormal." Sagot ko naman sa kanya.
"Ano? Anyway kamusta naman ang feelings mo sa kanya?"natatawang sabi ni Toni habang nagmamaneho.
"Feelings? Toni huh! diba sabi ko naman sayo the more I know him the more na nakikilala ko yung tao. Kaya yung crush ko sa kanya noon eh nawala na" paliwanag ko sa kanya.
"Oh well, if you say so!" Kilala ko si Toni hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
"But alam mo pag nakikita ko mga post mo sa IG mo especially yung mga photos niyong dalawa, may chemistry eh" habol na hirit niya.
"And hindi lang ako nakapansin niyan huh, even Dee! She even called me to ask if may nasasabi ka daw ba sa akin about you and RJ" natatawa niyang kwento.
"Gosh! Huwag nyo na nga lagyan ng malisya ang friendship namin. We're just friends that's it" litanya ko.
Hindi na namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay nila Dee. Nasa labas pa lamang kami ng bahay nila ay rinig na rinig na namin ang tawanan ng barkada. Alam ko this will be another fun friday night. Walang malungkot na oras pag magkakasama talaga ang magkakaibigan, kwentuhan at foodtrip lang masaya na kami. Hindi pa rin maiwasan na balikan ang mga nakakatawang alaala at mga asaran.
"Ayan ayan na naman si Chloe oh sobra na naman makatitig sa akin!" Panunukso ni Michael kay Chloe.
"Hay naku tigilan mo ako Michael huh! Baka ihampas ko na itong plato sayo!" Pagbibiro naman ni Chloe habang hawak ang plato.
"You know what guys mukhang si Chloe at Michael pa ang unang magiging couple sa grupo natin ah" panunukso ni Baste.
"That's what you think Baste, but Toni and I think that Nico will soon be in a relationship!" Panunukso din ni Dee habang nakatingin pa siya sa akin.
"Really? And may we know who's the lucky guy?" Nakangiti namang tanong ni Baste sa akin.
"Stop it! Walang katotohanan yan no! Baste wag ka nga maniwala dyan kay Dee at Toni" pagtatanggol ko habang inuubos ang pagkain ko.
"Okay so let me ask you Nico, whats the real score between you and RJ huh?" Seryosong tanong ni Baste.
Halos maubo at matapon ang iniinom ko sa seryosong tono ni Baste.
"Baste pati ikaw ba naman!?" Sagot ko sa kanya habang pinupunasan ko ang bibig ko.
"Oppss! Dont answer me with a questionNics!" Nakangiti nang sabi ni Baste habang inaantay pa rin ang sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez