Richard Valdez Jr's POV
Dahil kanina pa kami ni Cams dito sa Enchanted Kingdom, naisip kong ayain muna siya sa canteen para kumain at magpahinga ng konti. Hawak kamay kaming naglakad patungo sa canteen, masaya akong makitang masaya si Cams. Pagpasok namin sa canteen ay napatingin ako agad sa isang mesa malapit sa bintana at nakita ko na namang ang babaeng nagalit sa akin kanina. She's pretty pag nagagalit siya, ano nga ba ang name nya, ahh right Nico! Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit siya nagagalit sa akin, and I don't think na naoffend ko sya sa mga sinabi ko kanina. Para naman mabawasan ang inis niya sa akin, ngumiti ako sa kanya at kumaway.
"Arj, anong kakainin mo? Ako apple juice na lang hindi pa ako gutom eh" tanong ni Cams sa akin kaya lumapit na din ako sa kanya.
"Sure ka hindi ka kakain? Kahit sandwich lang" sabi ko naman sa kanya.
"Hay naku, sige na nga" nakangiting sabi naman niya. "O hanap na ako ng mauupuan huh" habol niya.
Sinundan ko ng tingin si Cams para makita ko kung saan siya uupo. Nakita ko na binati ni Cams si Baste at naupo sa tapat na mesang grupo nila.
"RJ" narinig kong tawag ni Baste ng makalapit na ako sa mesa at dala ang inorder namin ni Cams. Inilagay ko muna ang pagkain sa mesa namin bago ako lumapit kay Baste.
Nakatayo na si Baste ng lumapit ako sa mesa nila "RJ papakilala ko pala sayo ang mga barkada ko" sabi nito.
"This is Chloe, Toni,Michael, syempre nameet mo na kanina si Dee and Nico" patuloy niya habang tinuturo ang mga kaibigan niya.
"Hi I'm RJ, nice meeting you all, I hope hindi kayo nasesermunan ng todo nito ni Baste" pagbibiro ko sa mga kaibigan nya, lahat sila tumawa sa mga sinabi ko maliban kay Nico.
"By the way, si Cams" pagpapakilala ko kay Cams habang nakatingin sila sa mesa kung saan nakaupo si Cams.
"Hi Nico" bati ko sa kanya, ngunit bigo pa rin ako dahil hindi man lang niya ako tinignan. Nagpasya na lamang akong umalis na sa mesa nila at balikan si Cams.
Nico's POV
Nang magpaalam na si RJ at bumalik na siya mesa kung nasaan ang kasama nya, naramdaman ko na naman ang inis ko sa kanya kaya nag-aya na akong umalis. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako naiinis sa kanya? Wala naman siyang ginagawa sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya.
"Nics, so he was the guy that you're talking about? He seems nice" sambit ni Chloe.
"Nice? Baka gwapo lang siya kaya you find him nice" sagot ko naman kay Chloe na ikinagulat ni Michael.
"Hey, Nics! Si Chloe yang kausap mo, hindi mahilig sa gwapo yan, kaya nga crush niya ako diba Chloe?" pagyayabang na sabi ni Michael.
Nagtawanan naman kami sa hirit ni Michael, noon pa lang ay yun na ang laging biruan ni Chloe at Michael. Napaisip din ako sa napuna ni Michael, did I just say with my own mouth na gwapo si RJ? Pero totoo naman din kasing gwapo ang RJ na iyon,maputi, may magandang mata, matangkad, matangos ang ilong at may dimples, pero antipatiko siya.
"So, ngayon inaamin mo nang hindi ka gwapo kaya tigilan mo na yang pagsasabi na gwapo ka no!" banat naman ni Chloe.
"This is the first time na nagwapuhan ka sa isang guy Nics!" hirit naman ni Dee.
"Don't tell me crush mo si RJ Nics" sabit naman ni Baste.
"Hindi no, hindi ako magka-kacrush sa isang antipatikong yun" sagot ko sa mga paratang nila.
"Then tell us kung bakit inis na inis ka sa kanya?" hirit ni Dee sa akin.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam ang dahilan. Kailangan kong makaisip ng magandang sasabihin para hindi na nila ako kukulitin.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez