"Hmm kahit saan" ngiting sagot ko sa kanya habang ibinababa ang mga dala kong gamit.
"Eh diba sabi ni Jane may restaurant dito si Chef Arnold? Yun ang sabi niya the last time we visited them sa manila" sabi naman niya.
"Yeah, yun yung inaasikaso niya dati kaya ibinilin niya ang manila branch kay Chef Paulo" sagot ko naman dito.
"Try natin dun, you want?" Tanong naman niya.
"Eh kaso hindi ko alam kung saan dito sa Seoul eh, hindi ko matandaan na nabanggit ni Jane yung location eh" sabi ko sa kanya habang nakaupo ako sa kama ko.
"Wait let's try to search it" sabi naman niya. Kinuha niya ang cellphone niya at umupo sa tabi ko.
"Gotcha! Cheongdam, Seoul hindi masyadong malayo for us so ano? Tara?" Excited na sabi nito.
"Tara! Pero maaga pa naman is it okay if maya maya na tayo umalis? I just need to inform our suppliers na andito na tayo and check if wala ng changes sa mga meetings natin with them" mahabang litanya ko dito habang inaayos na ang laptop at mga notes ko mesa.
"Sure, tatawagan ko na din muna ang office para kamustahin sila" sagot din naman niya.
Dahil hindi naman din kalayuan ang Cheongdam sa hotel namin ay hindi na kami nagmadali ni Toni, halos 8 oclock na ng umalis kami sa hotel para kumain. Sa labas pa lamang ng resto ay mapapansin na ang pagkahawig sa manila branch.
Pagpasok pa lamang namin sa resto ay agad ng mapapansin ang mga crew nila na karamihan ay Pinoy.
"Eoseo oseyo!" Bati ng mga crew sa pagpasok pa lamang namin.
"Table for 2" agad na sabi ni Toni sa isang crew na lumapit sa amin.
"This way ma'am" sabi naman nito at inihatid sa aming mesa.
"Thank you" sabi ko naman sa kanya ng makaupo na kami.
"Here's our menu ma'am" sabi ulit ng crew at iniabot ang menu.
"Ahm, Pinoy ka right?" Tanong naman ni Toni sa kanya.
"Ay yes ma'am!" Ngiting sagot naman ng crew na Ken ang pangngalan.
"That's great, si Chef Arnold ang owner nito diba?" Ngiting tanong naman ni Toni kay Ken.
"Yes ma'am siya nga po" sagot naman nito.
"Well actually, kilala nitong kaibigan ko si Chef and nalaman namin na may resto siya dito kaya pumunta kami" kwento ni Toni habang itinuturo ako sa kausap niya, ngumiti lamang ako sa kanya ng tumingin siya sa akin.
"Ay ganun po ba? Sayang at hindi kayo nagpang-abot ni Chef Ma'am, bumisita siya dito kahapon" ngiting sagot pa rin nito.
"Naku sayang naman Nico di natin naabutan si Chef" baling naman niya sa akin.
"Bumalik na ba siya ng Manila?" Balik na tanong niya dito.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez