Chapter 35

81 4 0
                                    

Sinabi ko kay Toni ang lahat ng nangyari sa resto simula ng makita ko si Rj hanggang sa nalaman kong sakit nito. Habang kinukwento ko sa kanya ay hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Mababakas din sa mukha ni Toni ang gulat sa mga narinig niya.

"I'll ask Baste about this." Sabi ni Toni.

"Toni no! Baka hindi din ito alam ni Baste dahil narinig kong sabi ni Rj na ayaw niya na may ibang maka-alam kaya respetuhin natin ang gusto niya" sabi ko naman dito.

"So ano plano mo?" Tanong nito sa akin.

"Hindi ko din alam" malungkot na sagot ko sa kanya.

Matapos namin magusap ay humiga na ako sa kama ko, ngunit kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko magawa. Bumabalik sa isip ko ang mga narinig ko kanina at naiisip ko ang sitwasyon ni Rj.

Toni's POV

Matapos namin makapagusap ni Nico ay nagtext ako kay Baste na kailangan namin mag-usap. Kinabukasan ng makaalis na si Nico sa hotel papunta sa resto ay agad ko naman tinawagan si Baste.

"Hello Baste!" Bungad na sabi ko ng masagot nito ang cellphone.

"Oh? Ano ba kailangan natin pag-usapan?" Tanong naman nito.

"Yah! Alam mo bang may sakit si Rj at may 2 buwan na lang siyang mabubuhay?" Tanong ko sa kanya.

"What!? Anong pinagsasabi mo dyan? Ano ba ito joke?" Gulat na sagot niya sa akin.

"To be honest Im really hoping that this is just a joke! So ano nga? May alam ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Kinuwento ko kay Baste ang naging usapan namin ni Nico kagabi, kahit si Baste ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Sinabi ni Baste na tatawagan niya si Camille at aalamin ang totoo, at pag mag nakuha na siyang impormasyon ay sasabihan niya ako agad.

Ilang minuto ang lumipas ay tumawag naman muli si Baste, maririnig sa boses nito ang kalmadong boses nito.

"Toni, alam mo si Nics talaga minsan OA!" Sabi niya sa akin.

"Huh? Bakit? Nakausap mo na si Camille?" Tanong ko sa kanya.

"Uhuh! And alam mo ba na yung mamatay-may sakit drama is part lang yun ng script na pinasabi ni Camille kay Rj for her story?" Natatawang sabi ni Baste.

"What!?" So walang sakit si Rj? Hindi siya mamatay?" Gulat na sabi ko dito.

"Yes! I guess hindi narinig ni Nico ang buong usapan ng 2 kaya she assumed na Rj is dying" natatawa pa rin si Baste.

"Haaayy naku! Nakakaloka itong si Nico" tanging nasabi ko.

"So tell Nico that Rj is fine and healthy okay!" Natatawa pa rin siya.

"Huwag muna, baka ito na yung way para magkaayos ang dalawa diba?" Sabi ko kay Baste.

Sinabi ko kay Baste ang mga pwedeng mangyari ngayon na ang alam ni Nico ay may sakit si Rj, sinabi ko din sa kanya na sabihan si Camille na huwag sabihin kay Rj ang tungkol sa maling pagkakarinig ni Nico.




The Closer I Get To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon