Nagmadali akong lumabas ng resto at nag abang ng taxi. Ibinigay ko sa taxi driver ang papel at nagpahatid. Pagbaba ko ng taxi ay agad akong pumasok sa building at nagmadaling umakyat sa 6th floor. Agad din naman akong kumatok sa pinto ng makita ko ang apartment number ni Rj. Nakakailang katok na ako ay wala pa rin nagbubukas ng pinto. Sinubukan ko rin tawagan ang cellphone ni Rj ngunit hindi siya sumasagot, lalo lamang akong kinakabahan. Pagkatapos ng ilan pang katok ay bigla na lamang bumukas ang pinto at nakita ko si Rj na naka puting tshirt at pajama, gulo gulo ang buhok, namumutla at nanghihina habang nakatayo sa may pinto.
"Rj!" Sabi ko ng makita ko ang mukha niya.
"Hey Nico, what are you doing here?" Nanghihina niyang tanong sa akin.
"I don't have to answer you. Tara dadalhin kita sa hospital" sabi ko sa kanya habang hinihila ko ang braso niya palabas ng pinto.
"Ayoko, I'll be fine Nico, pahinga lang ito" sabi niya sa akin habang naglalakad siya pabalik sa couch at humiga.
"Pahinga? You've been sick for 2 days at sasabihin mo sa akin pahinga lang? How would you know kung hindi ka naman nagpapacheck up!" Galit na sabi ko sa kanya habang sinusundan siya.
"Colds and fever lang ito, hindi ko kailangan magpunta sa hospital" sabi nito habang nakahiga sa couch at binalot ang katawan sa kumot.
"Don't tell me diyan ka lang humiga?" Tanong ko sa kanya ng mapansin ko na mga gamot at isang plato ng pagkain sa mesa at ang mga unan at kumot sa couch.
"Nics, I don't have energy to argue with you now, just let me rest and pag okay na ako saka tayo magusap, huh?" Mahinang sabi nito.
"Okay fine! Kung ayaw mo magpunta sa hospital. Let me take care of you. Now, tumayo ka diyan and go to your room, dun ka magpahinga and ipagluluto kita" sabi ko sa kanya at inalalayan ang pagbangon niya at hinatid sa kwarto niya.
Pinahiga ko siya sa kama niya at inayos ang kumot at unan nito. Bumalik ako sa sala upang magligpit ng kalat at ayusin ito, sinilip ko rin ang ref nito upang tignan kung ano ang pwedeng lutuin para kay Rj. Ipinagluto ko siya ng chicken porridge para makainom siya ng gamot. Habang nagluluto ay napansin ko ang pagkakaayos ng apartment nito.
Simple at maayos ang apartment nito, may mga libro na nakalagay sa shelves at may gitara naman malapit sa tv set nito. Sa kabilang sulok naman ay may threadmill na nakaharap sa veranda, at meron ding maliit na mesa kung saan nakalagay ang kanyang computer at mangilan ngilang libro na sa tingin ko ay ang ginagamit ni Rj para sa trabaho. Pagkatapos ko magluto ay naghain naman ako para makakain na si Rj, dinala ko sa kwarto niya ang mainit pang chicken porridge. Nakita ko na tulog pa rin ito kaya inilapag ko muna ang porridge sa side table at ginising si Rj.
"Rj?" Tawag ko sa kanya.
Hindi ito umimik kaya hinawakan ko ang noo nito upang pakiramdaman ang lagnat niya, mainit rin ito kaya tinawag ko siya ulit.
"Rj, wake up, kain ka muna para makainom ka ng gamot" sabi ko sa kanya. Iminulat naman nito ang mga mata niya, tinulungan ko siyang bumangon at inayos ang kanyang pagkakaupo. Napansin ko na nakatingin lamang ito sa akin habang kinuha ang porridge at umupo sa kanyang tabi.
BINABASA MO ANG
The Closer I Get To You
Romance"Sa tuwing napapalapit ako sayo lalo lamang akong nahuhulog" - Nico Ramirez "At sa tuwing lumalayo ako sayo, nasisira ang mundo ko" - RJ Valdez